Chapter ♥ 29

1.9K 75 39
                                    

Blaire POV

Tahimik lang kaming naglalakad at hinanda ko lang ang sarili sa anumang mangyayari. Mahirap na baka di namin namamalayan na nasa bingit na pala kami ng kamatayan. Laking pasasalamat ko dahil walang kalabang sumugod sa amin hanggang sa nakarating kami sa pangalawang pader.

Nakatayo lang kaming lahat samantalang nasa harapan namin ang pader.

"Ano na?" tanong ni Scarllet. Binuklat naman ni Four ang mapa kaya lahat kami napatingin doon.

May unti-unti namang lumitaw na letra at agad iyung binasa ni Sophie.

"Find the Snowman and get the stone to enter the second entrance" mahinang basa niya ngunit narinig naman namin iyun. Pero hindi naman yun kaylangan dahil nakakabasa naman kami.

Nagkatinginan naman kaming lahat habang nakakunot ang mga noo. Agad kaming naglibot ng tingin at nanliit ang mga mata ko nang may nakita akong isang nilalang na nakatayo sa kanang bahagi ng pader na ito.

"Ano yan?" mahinang tanong ni Aubrey na ngayon ay nasa gilid ko na at nakatingin din siya sa tinitingnan ko. Napatingin nadin ang iba. Di kasi namin makita ng malinaw dahil natatabunan ito ng kunting hamog.

"Lapitan natin" suhestiyon ni Lucy. Nagsimula kaming naglakad ngunit maingat parin kahit walang bakas na kapahamakan.

Nakita namin ito ng malinaw nang malapit na kaming nakarating. Isa itong taong yari sa niyebe at nakatalikod ito sa amin. Dali-dali kaming lumapit dito at laking ginhawa ng mga kasamahan ko dahil agad namin itong natagpuan.

"Hi little Snowman" nakangiting bati ni Scarllet dito. Dahan-dahan naman itong humarap sa amin. Namangha naman ako dahil may buhay ito. Agad itong ngumiti nang tuluyan siyang nakaharap sa amin. Ang cute niyang tingnan ngunit ang mas nakaagaw sa akin ng atensyon ay ang mga bato niya sa leeg, apat iyun at kulay asul lahat. Pero bakit apat? Ang sabi ng mapa ay STONE hindi STONES.

"Hello mga ginoo at magagandang binibini" nakangiting bati niya sa amin. Ngunit agad nangunot ang noo ko nang may naramdaman akong masamang presensya.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga ginoo at binibini?" magalang niyang tanong sa amin. Nagkatinginan naman kami at agad ngumiti si Lucy sabay baling sa Snowman.

"Ah hehehehe gusto lang sana naming hiramin ang mga bato mo heheheh" ngising-ngisi sabi ni Lucy at agad naman tumango-tango ang iba. Nangunot ang noo ko nang nagsimulang sumama ang timpla ng mukha nito.

"Hindi!" napaigtad kami pareho nang sumigaw ito. Anong problema ng Snowman na ito? Rumehistro naman sa aming mukha ang pagtataka.

"B-bakit?" takang tanong ni Sophie.

"Hindi maaari ang hiling niyo dahil akin lang ang mga bato ko!" mas lalong gumulo ang aking pag-iisip nang nagalit ito. Naalisto naman kami nang yumanig ang paligid.

Agad kaming napatingin sa aming inaapakan nang gumalaw ang mga nyebe at lahat iyun dumikit sa katawan ng Snowman. Napaatras kami nang dahan-dahan itong lumaki, pati na ang mga kahoy niyang kamay.

"Hahahahaha hindi niyo makukuha mga ang bato ko! Hahahaha" halakhak niyang sabi at napaawang ang aking bibig nang bumangis ang mukha niya. Naging pula ang mga mata niya at natutubuan ito ng matutulis na ngiping yelo sa bunganga.

Napatakbo kami nang halos higupin niya lahat ng inaapakan namin at nababahala ako nang lumaki ito ng husto. Tumigil ito sa paghigop at agad kaming napatalon nang inapak niya ang isa niyang paa sa lupang niyebe kasabay ng pagyanig ng paligid.

"Talunin niyo muna ako bago niyo makuha ang mga bato ko" mabangis niyang hamon sa amin. Nagkatinginan naman kaming mag kakaibigan at sabay naming nilabas ang aming mga espada.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon