Chapter ♥ 60

2.7K 117 126
                                    

A/N: I dedicate this chapter to Happy_freelife babychung28 hhime08 Zhaileeeg ZingEspanto BitchinLynn16 Sampinkz Allisajoy Bagnasnorolyn marrielleee yhmelen08 claireanneimnida IceCoolGirl creez_02 zyrene_001

Blaire POV

Pagdating namin ng akademya agad naming isinugod sa clinic ang mga kasama kong nawalan ng malay at sugatan. Agad naman silang inaasikaso ng mga healer.

Andito ako ngayon nakaupo sa tabi ng kama ni Four habang kagat kagat ang mga kuko. Kinabahan ako dahil hanggang ngayon ay di parin siya nagising. Sabi ng healer na umasikaso sakanya kanina magaling na siya ngunit kaylangan muna niyang magpahinga, pero bakit kahit pagdilat man lang ng mga mata ay wala. Nangunot ang noo ko nang may kunting itim ang pula niyang buhok. Napatayo ako dahil unti unti itong kumalat. Nilukob naman ng kaba ang buong pagkatao ko. Anong nangyari? Bakit nagkaganito ang buhok niya? Agad ko siyang nilapitan, gusto kong hawakan ang buhok niya na ngayon ay halos itim nalang lahat.

"F-four? Anong nangyayari sa buhok mo?" wala sa sarili kong tanong. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba. Tumigil sa pagkalat ang itim na kulay at ngayon iilang hibla nalang ng buhok niya ang pula. Nagmukhang highlights ang kunting pula niyang buhok. Napatitig ako sa mukha niya, mas lalong lumitaw ang kagwapuhan niya dahil sa bagong kulay ng kanyang buhok.

Hinawakan ko siya sa kamay at napatigil ako nang may naramdaman akong kakaibang kapangyarihan. Mas lalo akong kinabahan.

"F-four, gumising ka" usal ko at tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Nilakasan ko na ang pagtapik dahil hindi parin ito nagdilat ng mga mata.

"Hey My Four! Please wake up!" napataas na ang boses ko dahil sa kaba. Napatigil ako nang dahan dahang kumunot ang kanyang noo. Lumipas ang ilang segundo at nagdilat narin siya ng mga mata ngunit nagulat nalang ako dahil itim na mga mata ang tumambad sa akin.

"Threes?" paos niyang banggit sa pangalan ko at napahawak siya sa ulo habang nakakunot ang noo na parang masakit iyun. Nananatiling nakatitig ako sakanya. Anong nangyari? Bakit nagkaganito siya?

Bumangon siya sa pagkakahiga at hinarap ako habang nakaupo sa kama. Mas lalong kumunot naman ang noo niya. Hinawakan niya ang mga braso ko.

"Hey babe, what's the matter? Are you okay?" nag-alala niyang tanong kaya nabalik ako sa sarili. Kumurap ako at tiningnan siya ng deretso.

"Four, y-yung mga mata at buhok mo" mahinang usal ko. Nanatiling nakakunot ang noo niya at hinawakan ang medyo mahaba niyang buhok. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya ito. Agad akong gumawa ng salamin at binigay sakanya. Agad naman niyang tiningnan ang repleksyon sa salamin.

"The heck!" napamura nalang siya sa kanyang nakita. Muli niyang hinawakan ang buhok niya na may di makapaniwalang mukha.

"Four subukan mo ang kapangyarihan mo" sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. Binaba niya ang salamin sa kama at ibinuka ang kanang kamay. Nangunot ang noo ko dahil apoy parin ang lumabas.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon