Chapter ♥ 33

1.9K 87 106
                                    

Blaire POV

Andito ako ngayon sa isang silid habang nakahiga at ang mga kaibigan ko naman may kanya-kanya ding silid. Bumigat naman ang mga talukap ko ngunit bago ako hinila ng dilim ay may naramdaman akong may humawak sa aking braso.

Umaga na at nasa harap kami ngayon sa pang-apat na pader. Gaya ng nangyari sa pangatlong pader ay kusa lang din itong bumukas. Papasok na sana ako nang hinawakan ni Azlan ang aking pulsuhan. Nilingon ko ito habang nakakunot ang noo.

"Fii atent mereu Blaire" (Mag ingat ka lagi Blaire) seryosong saad niya. Kinuha ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at tumango.

Tinalikuran ko na ito at nagsimulang naglakad. Sumunod naman silang Four.

Bumungad naman sa amin ang malakas na hangin kaya napahinto nalang kami. Halos nalang wala akong nakita dahil sa bagyong niyebe. Agad kong binalik ang balabal sa pagkakatalukbong sa aking ulo nang muntikan na itong tangayin ng malakas na hangin. Dinig ko rin ang mga nagwawalang hangin. Kaunti lang ang nararamdaman kong lamig dahil makapal ang suot kong jacket at ganun din ang suot ng mga kaibigan ko. Bigay ito ng mga Elves sa amin para daw hindi kami ginawin sa aming paglalakbay.  

"Acel, can you handle this?" sigaw tanong ni Scarllet habang nakaharang ang kamay niya sa harapan ng kanyang mukha.

Tumango naman si Acel at nakita kong pumikit ito habang nakabuka ang mga kamay niya. Unti-unti namang kumalma ang bagyo.

"Aaahh! I can't!" nagimbal ako nang sumigaw si Acel kasabay ng mas lalong paglakas ng bagyo. Nagmulat si Acel at kitang-kita ko ang nahihirapan niyang mukha.

"Paano na!?" sigaw ni Lucy.

"We have no choice but to cross this blizzards!" sigaw ni Four at sumang-ayon nalang kami sa kanya dahil talagang wala na kaming mapagpipilian.

Nagsimula kaming naglakad at bawat hakbang namin ay sinabayan ng lakas at bigat para hindi kami matatangay ng hangin. Ilang minuto nadin kaming naglalakad. Saan kami pupunta? Saan namin matagpuan ang dyamanteng bato? Huminto ako at pilit inaninag ang paligid.

Nangunot ang noo ko nang may naaninag akong bakuna ng kuweba sa kanang bahagi.

"Tingnan niyo!" sigaw ko at itinuro iyun. Huminto naman sila bago tumingin doon.

"Let's get hurry!" sigaw ni Four at nauna na itong naglakad papunta sa kuweba kaya sumunod na din kami.

Nakarating kami sa bukana ng kuweba at nakita kong madilim ang loob nito. Hindi narin masyadong mahangin ang kinaroroonan namin ngayon. Nagpalabas ng apoy si Four sa kamay niya at agad pumasok sa kuweba. Nagkatinginan naman kaming mga babae bago kami sumunod sa kanya.

Dahil sa apoy ni Four ay nakita naming niyebe din ang loob ng kuwebang ito. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang pinakiramdaman ko naman ang paligid. Di na naapektuhan ng bagyo ang lugar na ito kaya malaya kaming nakalakad.

Sa loob ng ilang minuto ng aming paglalakad ay ilang ulit narin kaming lumiko. Nakita naming may liwanag sa unahan kaya dali-dali kaming pumunta doon.

Tumambad naman sa amin ang malawak na espasyo ng kuwebang ito. Ang bawat sulok nito ay mga yelo ngunit ang lupa ay mga niyebe. Nilibot ko ang aking paningin at naagaw ang aking atensyon sa isang kumikinang na bato na nakapatong sa isang yelong bato.

"Ang diyamanteng bato" bulalas ko at lahat sila napatingin sa akin. Agad naman nilang tiningnan ang tinitingnan ko.

"Oo nga" manghang sabi ni Aubrey.

"Dali, kunin natin" natutuwang saad ni Lucy at nauna na itong tumakbo ngunit agad din siyang napatigil sabay tili nang may lumunsad sa kanyang harapan.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon