Chapter ♥ 2

3.6K 160 71
                                    

Blaire POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmula sa bintana. Bumangon ako habang humihikab. Pumanhik ako ng silid-paliguan at naligo. Pagakatapos ay agad ko ding isinuot ang uniporme ko. Lumabas ako ng silid at tamang-tama dahil hindi pa sila gising. Ayaw kong makisabay sa kanila dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ni Four.

Lumabas ako ng dormitoryo at dumiretso ng kapiterya. Pagkarating ko ay bumungad sakin ang katahimikan. Tatlo pa lang ang studyante dito at isa ako dun. Kumuha ako ng pagkain at agad din akong kumain nang nakahanap ako ng lamesa.

Pagkatapos ay dumeretso ako ng silid-paaralan. Pagkarating ko ay agad akong umupo sa pinakahuling upuan at hindi sa katabi ng upuan ni Four. Ako pa ang tao dito kaya sumubsob ako sa upuan at ipinikit ang mga mata.

Napapintig ang tenga ko nang narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Si Blaire"

"Hay andito lang pala siya eh, kung saan-saan pa tayo napunta"

Narinig ko ang mga yapak nila papalapit sakin. Narinig ko din ang mga upuang hinila.

"Tulog ata"

"Siguro may problema ito"

"Hays, ano kaya yun"

"Let's talk to her"

"No, we just need to wait kung kelan niya sasabihin satin"

Rinig ko ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan kong babae.

"Guys, hayaan niyo nalang siya" narinig kong sabi ni Miles. Tumahimik naman ang paligid at narinig ko ang pagbukas ulit ng pintuan. May mga apak namang naglalakad papunta sa harap.

"Good morning Royalties and welcome back" narinig kong bati ng guro namin.

"Good morning" bati din nila.

"Tulog ba iyan?" tanong ng guro.

"Yes po" narinig kong sagot ni Aubrey at siguro ako ang tinutukoy nila. Ayaw kong aayos sa pagkakaupo baka makikita ko lang si Four. Kahapon wala akong mapagpipilian kundi makita siya pero meron na ngayon.

Nagsimulang nagtalakay ang guro namin at laking pasalamat ko'y di nila ako ginalaw ngunit ramdam ko parin na may nakatitig lang sakin. Natapos ang unang asignatura ay agad ding sumunod ang pangalawa. Di ko na natiis ay nagpaalam ako sa guro para lumabas. Pinayagan naman ako dahil sa kasinungalingang naiihi ako. Paglabas ko ay agad kong tinahak ang daan papuntang hardin. 

Pagpasok ko ay agad akong nakalanghap ng sariwang hangin. Bumungad sakin ang mga paru-parong nagliparan sa mga magagandang bulaklak. Napakatahimik ng paligid at mabuti narin ito para makapag-isip din ako ng mabuti. Naglakad ako papunta sa gitna ng hardin at umupo. Nagpakawala ako ng mabibigat na hininga para pagaanin ang mabibigat kong dinadala.

Siguro'y tanggapin ko nalang na hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Four dahil hindi nga niya ako kinausap at nilapitan man lang. Siguro ay hinihintay niya parin ang babaeng itinakda para sa kanya.

Hindi ka niya nilalapitan at kinausap dahil hindi mo naman siya binigyan ng pagkakataon para naman akong sinampal sa sarili kong pag-iisip. Siguro nga ganun narin iyun, hindi ko siya kayang harapin dahil natatakot ako na baka mas lalala pa ang sitwasyon.

Nagtagal ako ng isang oras sa hardin at napagdisesyonan kong dumeretso ng dormitoryo dahil wala namang saysay kong papasok pa ako ng klase. Pagkarating ko ay pumasok ako saking silid at di na nagabalang ikandado ang pinto.  Pumanhik ako ng silid-paliguan at hinubad ang uniporme. Pinuno ko ang bathtub, pagkatapos ay lumublob ako sa tubig.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon