Chapter ♥ 9

2.7K 126 56
                                    

Blaire POV

Paano nakapasok ang lalaking ito sa silid ko? Bakit siya andito?

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.

"Before that, please answer my question, are you okay?" taos-puso niyang tanong muli sakin, kaya wala na akong magagawa pa kundi tugunan ang tanong niya.

"Nanaginip lang" tugon ko sa kanya at tiningnan niya lang ako na waring pinag-aralan ang mukha ko.

"What kind of dream?" seryoso niyang tanong sakin kaya napabuga nalang ako ng mabigat na hininga dahil sa kakulitan nito.

"Nanaginip ako na nasa likod ako ng akademya, kung saan nangyari ang trahedya kani-kanina lang, at may nasaksihan akong matinding pangyayari, di ko lang lubos maisip na kung bakit ko iyun napanaginipan. Ang biktima doon ay parehong-pareho sa biktima kanina, yung pumatay sa kanya ay hindi pangkaraniwang Mages at Charmers. Isang malaking nilalang na maiitim ang balat, matutulis na kuko at may mga pangil din. May dalawang sungay siya sa noo niya. Di ko alam kung totoo ba ang hinala ko na ang nangyari sa panaginip ko ay ang nangyaring trahedya kanina" kunot-noong salaysay ko na parang inaalala ang bawat detalye ng aking panaginip. Tiningnan ko siya muli at nakita ko ang pangungunot din ng noo niya.

"That is not just a dream, that was the truth behind the dead scene" seryosong sambit niya na nakapagpahinto sakin saglit. Maaring tama siya, ngunit bakit ako? Madami namang iba jan.

"Pero bakit ako?" nahihiwagaan kong tanong.

"I don't know" tugon naman niya.

Natahimik ako muli at tanging inisip ko na kung bakit ako pa, Nagbalik ako sa reyalidad nang may naaalala ako.

"Teka nga naman, ano ang ginawa mo dito?" taas-kilay kong tanong sa kanya. Akala niya makakatakas siya sakin? Kung ganun nagkakamali siya.

"I heard your scream a while ago that's why I'm here, I just wanna check what happened to you" nakatingin lang siya sa mga mata ko habang sinabi niya ang mga salitang iyun kaya nakaramdam naman ako ng pagka-ilang. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil baka hindi ko kakayanin.

"Ah okay na ako, kaya makakaalis kana" saad ko sa kanya habang nakatingin lang sa bintana. Narinig ko naman ang pagtikhim niya bago ito nagsalita.

"If you need help, don't hesitate to approach me" habilin niya sakin. Napakagat ako ng labi bago tumango.

Sa pagtingin ko sa labas ng bintana ay napagtanto kong magdidilim na pala. Kaya pala nakaramdam na ako ng pagkagutom.

Tumahimik naman ang buong kwarto at siguro'y umalis na siya pero bakit ramdam ko parin presensya niya. Piniling ko ang aking ulo dahil sa kung ano-ano nalang ang pinag-iisip ko. Bumuntong hininga ako at pagbaling ko sa likod ay laking gulat ko nalang dahil ang lalaking kanina kopa pina-alis ay andito pa. Nakahiga siya sa kama ko habang nakapikit at ang mga braso niya ay ginawa niyang unan.

Nanliit ang mga mata kong pinagmasdan ito. Bakit andito pa siya? Akala ko umalis na ito.

Inabot ko ang tagiliran niya at sinundot ito. Ayaw ko kasing lumapit dahil alam kong mararamdaman niya iyun.

"Four, bakit ka parin nandito? Four, gumising ka nga!" naiinis kong sabi habang sinundot-sunot ko parin ang tagiliran niya. Ngunit ilang ulit ko iyung ginawa ay wala paring epekto. Tulog ba talaga ito o nagtulog-tulugan lang? Dahil kapag nagtulog-tulugan ang isang tao ay mahirap iyung gisingin. 

"Ang sabi ko diba umalis kana? Wuyy gising ka nga jan" bulyaw ko dito at nilakasan ko na ang pagsundot sa kanya pero wala paring nangyari kaya napairap nalang ako sa kawalan.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon