Chapter ♥ 4

3.3K 166 82
                                    

Blaire POV

Di ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot.

"Tapos na ang usapang ito" wala sa sarili kong sabi at lalagpasan ko na sana siya nang agad niyang hinablot ang braso at napasubsob naman ako sa matipuno niyang dibdib.

Para akong natuod dahil sa gulat at kaba. Bumilis narin ang tibok ng puso ko. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. Amoy na amoy ko din ang halimuyak niya. Napaigtad ako nang pinisil niya ang beywang ko dahil nakayakap siya sa akin. Sinubukan ko siyang itulak pero nabigo lamang ako.

"Bitawan mo ako Four. Binabalaan kita" naiilang kong sabi.

"No, I won't" pagmamatigas niyang sabi. Tumaas naman ang dugo ko dahil sa katigasan ng ulo niya.

"Wag mo ng palalain pa ang sitwasyon Four" malamig kong sabi, matapang kung inangat ang mukha at sinalubong ang mga titig niya.

"It will not become worse if you will give me a chance to fix it" malalim niyang sabi.

"Ang mga babae hindi pinipilit" pagpapaalaala ko sa kanya.

"Hindi naman kami mamimilit kung hindi niyo lang kami binigyan ng rason para pilitin kayo" depensa niya at nanliit naman ang mga mata ko. Bobo ba ito? O sadyang nakalog lang ang utak nito?

"Nahibibang kana ba Four? Pag-ayaw ko, ayaw ko. Wag mo akong pilitin dahil kagagawan mo rin ito" galit kong sabi sa kanya.

"Kung kahibangan ang hinihiling ko at kagustuhang makasama ka, I will accept it" lumambot ang mukha niya habang nakatingin lang sa mga mata ko. Pinilit kong lumayo sa kanya pero hindi niya parin ako hinayaan.

"Bitawan mo ako Four. Bitaw!" nagpupumiglas ako pero para lang akong nakadikit sa katawan niya dahil hindi ko man lang magawang kumalas. Napangiwi nadin ako dahil sa higpit ng pagkahawak niya sakin. Baliw naba ang lalaking ito?

"Ano ba! Ano bang gusto mo?!" sigaw ko sa kanya.

"You" agaran niyang sagot sakin kaya napatigil ako.

"Bakit?" agad kong tanong sa kanya.

"Because I love you" nalaglag ang panga ko dahil sa naging tugon niya. Ano? Mahal niya ako? Parang nabuhayan ang dugo ko dahil dun. Gusto kong magsaya pero pano? Wala namang pag-asa ang mga naramdaman namin.

"M-mahal mo ko" mahinang sabi ko at tumango-tango naman siya.

"Pero bakit andali?" dugtong ko. Bakit andali naman ata, sabi nila sa unang-una magkagusto kapa sa isang tao at pagtagal saka muna maramdaman na mahal mo rin siya.

"Ang pagmamahal ay hindi bumabase sa panahon, once you feel it, just be it" makahulugan niyang sabi. Di ko alam na may ganito pala siyang tinatago.

"Pero hindi tayo para sa isa't-isa at alam mo yun" pagpapaalaala ko sa kanya at nanlomo naman ang mukha niya, kaya napababa ako ng tingin.

Diba iyun naman ang gusto mong marinig sa kanya? Ang sabihin niya na mahal ka niya pero bakit nagiinarte kapa? Gusto ko namang tirisin ang sarili kong pag-iisip. Oo, masaya ako dahil alam kong mahal din niya ako pero kahit bali-baliktarin pa ang mundo ay hindi talaga kami para sa isa't-isa. Kung pwede palang takasan ang lahat ay ginawa ko na.

"Do you love me?" agad akong napatingin sa mukha niya nang tinanong niya iyun.

Oo! Mahal na mahal kita gusto ko iyung isigaw pero di ko magawa dahil nilamon ako ng aking konsensya.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon