Chapter ♥ 30

2.1K 77 60
                                    

Blaire POV

Agad kong itinikom ang bibig para hindi ako makainom ng tubig. Ang lamig dito. Nilibot ko naman ang aking paningin at may nahagilap naman akong papalapit sa akin na isang malaking nilalang. Nangunot ang noo ko. Agad nanlaki ang aking mga mata nang naaalala ko kung ano ito.

Ang nilalang na ito ay tinatawag na Turtopus, this creature often lives in a fresh water. A rare monster Turtle has tentacles which is like an Octopus tentacles. When you're trap its tentacles it can take you to the bottom of the river. Afterwards, it will obtain your power and blood until you die.

Mabilis akong lumangoy pa itaas at nahugot ko ang aking hininga nang may gumapos sa aking katawan. Agad ko itong tiningnan at nanlaki ang aking mga mata dahil isa itong galamay ng pugita, isa ito sa mga galamay ng Turtopus. Ilang ulit kong tinangkang tanggalin ang galamay na ito ngunit mas lalo lang humigpit. Para namang nabuwal ang aking ispirito nang marahas ako nitong tinangay pababa. Mabuting nakakahinga ako sa tubig dahil kung hindi, kanina pa ako nalunod.

Masyadong mahigpit ang pagkagapos nito sa akin kaya di ko magawang kumawala. Napatingin ako sa itaas at halos lahat nalang ng nakikita ko ay itim. Hindi pwede ito, maaring mamamatay ako pag nagpatuloy ito.

Naramdaman ko naring unti-unting nahihigop ang enerhiya. Binuhos ko ang lahat ng lakas para kalasin ang galamay na nakagapos sa akin.

"Aaaaaaahhhhhh!" nagawa ko pang sumigaw dahil sa nilabas kong lakas. Ang lakas ng nilalang na ito.

Wala sa sarili akong umiiling-iling dahil ginapos pa ako nito sa isa pa nitong galamay. Halos hindi ako makahinga. Hindi pwedeng mamamatay ako dito, not like this.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumuwag ang pagkagapos nito sa akin. Wala na akong sinayang na oras ay kinalas ko ang mga ito sa aking katawan. Agad akong naglibot ng tingin at nakita ko si Four na ngayon ay may hawak na espada, ngunit hindi iyun nagliliyab sa apoy. Halos mamamatay na ang apoy nito. Pero nagawa pa naman niyang putulin ang ilang galamay ng kalaban. Naramdaman kong unti-unti na ding nagbalik ang nakuhang enerhiya sa aking katawan.

Wala sa sarili akong nag-abot ng kamay nang nakulong si Four sa mga galamay nito.

"Four!" Kitang-kita kung paano siya humiyaw sa sakit nang humigpit ang pagkagapos nito sa kanya. Mabilis akong lumangoy papalapit sa kanya.

Nilabas ko ang aking yelong espada at walang pag-alinlangan kong pinutol ang mga galamay na nakagapos sa kanya. Lumuwag ito kaya agad kong hinila si Four na ngayon ay hinang-hina na. Lalo na't apoy ang kapangyarihan niya. Sa imortal na kagaya niya ay di pwedeng magtagal ng husto sa tubig lalo na't paglamig, mababawasan ang lakas ng enerhiya ng katawan nito at maari pa niya itong ikakamatay.

Kung nahugip ng Turtopus ang kanyang enerhiya kahit sa kunting minuto ay mas lalong maging komplikado ang lahat.

Mabilis akong lumangoy paitaas habang tangay siya. Wala ng oras para tupusin ang nilalang na ito.

Binalingan ko siya ng tingin, nangamba ako nang hindi na ito halos humihinga at namumutla narin ang mukha niya. Malayo layo pa ang lalanguyin ko bago ako makaahon. Kung wala akong gagawin ay maaring tuluyan siyang malunod. Huminto ako sa paglangoy at agad siyang hinarap. Tinawid ko ang distansyang namamagitan sa aming dalawa at inangkin ko ang kanyang mga labi. Binigyan ko siya ng hangin at naramdaman kong unti-unti siyang lumakas, humiwalay naman ako sa kanya. Muli akong lumangoy at laking pasalamat ko dahil sinubukan din ni Four na makatulong.

May nakita naman akong liwanag mula sa itaas kaya mas binilisan ko pa ang paglangoy. Nakita kong may dalawang taong sumisid at silang Miles at Kade ito. Agad nila kaming sinalubong at tinulungan kaming makaahon.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon