Chapter ♥ 35

1.9K 79 60
                                    

Blaire POV

Nagmulat ako ng mga mata dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Bumuntong hininga ako bago bumaba ng kama. Pumanhik ako ng silid paliguan at ginawa ang ritwal sa umaga. Madali lang din akong natapos naligo kaya humarap ako sa salamin. Nangunot ang noo ko dahil napansin kong may pagbabago sa akong mga mata. Mas naging malamig ito ngunit bakit? Huminga ako ng malalim saka napagdesisyunan lumabas at pagkatapos ay nagsuot ako ng uniporme. Lumabas ako ng dormitoryo ng di man lang sila inantay. Ayaw ko munang makasama ang mga kaibigan ko dahil makikita ko lang si Four at ang babaeng iyun. Tinahak ko ang pasilyo papuntang kapiterya para mag agahan dahil nakaramdam narin ako ng matinding pagkagutom, wala kasi akong kain simula kahapon.

Nakapagtataka lang dahil lahat ng nadadaanan kong halaman ay tuyo. Nakita kong naguguluhan din ang mga nagkalat na iilang kamag-aral ko habang pinasadahan ng tingin ang paligid. Pati ang lupa ay tuyong tuyo din. Anong nangyari? Bakit nagkaganito ang paligid? Napatingala ako sa kalangitan at nakita kong makulimlim ito. Pakiramdam ko parang nakisabay din ang panahon at kapaligiran sa nararamdaman ko. Piniling ko ang aking ulo at nagpalabas ng mabibigat na hininga. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa aking pupuntahan. 

"Myghad, ano kayang nangyari sa kapaligiran natin ngayon? Ang creepy ah"

Pumunta ako ng counter at nagorder ng mga pagkain.

"Baka may nag cast ng spell"

"Di naman siguro"

Nilibot ko ang aking paningin at nagtungo ako sa lamesang nasa dulong bahagi.

"Wag mong sabihin na nagkatotoo ang sabi-sabi nila"

"Anong sabi-sabi?"

"Ang sabi nila, may babaeng bibiyaan daw ng isang kapangyarihan na konektado sa kapaligiran at klima. Kung malungkot daw ito at nasa kapighatian ay magbabago ang lahat ng kapaligiran pati na ang klima. Gaya ng nangyari ngayon"

Umupo ako habang nakakunot ang noo dahil sa aking mga narinig.

"Huh, baka haka-haka lang yan"

"Siguro, di naman natin alam kung pati ba ang ibang lugar ay nagkaganito din"

"Wala din akong naririnig na ganyang kapangyarihan"

"Hmmmm pero si Blaire ay napabago niya ang klima noon para mag ulan ng niyebe"

"Sus baka di yun totoo, nagkataon lang siguro yun"

Nagsimula akong sumubo ng pagkain habang nananatili lang nakinig. Pati pangalan ko nadamay sa pag-uusap nila.

"So, sino ang babae?"

"Iwan ko"

"Kung totoo yan, paano maibabalik ang dating ayos ng lahat?"

"Hmmmmm, babalik lang ang lahat kung makaramdam ng totoong kasiyahan ang babaeng iyun"

"Blaire! Andito ka lang pala"

"Hindi mo man lang kami inantay"

Nagtaas ako ng tingin at nakasalubong ko ang mukha ng aking mga kaibigan. Napadako ang aking tingin kay Four at agad akong nagiwas ng tingin dahil may babaeng nakalingkis sa braso niya. Bakit hinayaan nalang niyang saktan ako? Sumikip na naman ang dibdib ko pero di ko iyun pinahalata sa kanila. Agad akong tumayo kahit hindi pa ako tapos kumain.

"Mauna na ako" walang emosyon kong sabi at nagsimulang naglakad.

"Eh? Snow sabay na tayo!" habol saad ni Aubrey.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon