Chapter ♥ 55

2.4K 111 172
                                    

A/N: I dedicate this chapter to Zyleexx

Try to check her works babies, I swear it's worth it to read.

Blaire POV

Lumipas ang dalawang araw sa pagmamalagi ko dito sa kalungan, masasabi kong nakakaliw pala ang katahimikan. Sa isang araw, dalawang beses lang akong kumain dahil di naman nila ako binibigyan sa tanghalian ngunit mabuti na iyun kaysa sa wala. Nakaupo lang ako sa sahig habang pinaikut-ikot sa daliri ang iilang hibla ng buhok.

"Babae sumama ka sa akin" naagaw ang atensiyon ko sa bantay na kakabukas lang ng kulungan ko. Agad akong tumayo at lumapit sakanya.

"Bakit? Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Pinatawag ka ni HM sa office niya" tugon naman niya. Nangunot ang noo ko. Nagsimula siyang naglakad kaya sumunod nalang ako sakanya. May iilang estudyante ang nadadaanan namin na parang nasusuka na sa hitsura ko. Di ko lang sila pinansin dahil mas nakakasuka ang pag-uugali nila.

Agad kaming nakarating sa office ni HM. Bumungad naman sa akin ang mga konseho, royalties at si HM na nakaupo sa swivel chair. Napatingin naman sa akin silang Scarllet at walang emosyon ko lang silang tiningnan para ikubli ang kirot ng naramdaman ko sa dibdib.

"Bakit mo ako pinatawag HM?" walang emosyon kong tanong.

"Pinatawag kita Blaire dahil may gustong sabihin si Divine" tugon naman niya kaya napataas nalang ang kilay ko. Kung may sasabihin siya, bakit kaylangan pa ako?

"At dahil nandito na si Blaire, ano ang sasabihin mo Divine?" dugtong ni HM. Napatingin ako kay Divine na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Gusto ko pong ipalaya si Blaire sa pagkakakulong" napasinghap ang iilan dahil sa deretsahang sabi ni Divine. Mas lalong tumaas ang kilay ko. Ano na namang pakulo ito? Bakit gusto niya akong palayain?

"At bakit? Sa anong dahilan Divine?" napataas naman ang boses ni HM. Lumapit sa akin si Divine at inikot ikutan niya ako na parang sinuri.

"Kaya nagawa ni Blaire ang pag traydor dahil napasailalim siya sa kapangyarihan ng itim ngunit nagawan ko iyun ng paraan nung bumisita ako sa kalungan niya" seryosong tugon ni Divine. Tumaas ang aking dugo nang inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. Anong kasinugalingan na naman ito?

"Wag ka ng pumalag sa sasabihin ko dahil kayang kaya kitang ibalik sa kalungan mo at habang buhay ka dung mabulok" naiyukom ko ang mga kamao dahil sa bulong niya at pagbabanta.

"Paano mo iyun nalaman Princess Divine?" tanong ng isang konseho.

"Dahil sa kapangyarihan ko. Ramdam ko iyun at nakikita ko rin ang nakaraan niya" nakangising tugon niya at nananatiling nakatingin sa akin.

"Kahanga hanga. Kahit sa laking kasalanang nagawa ni Blaire ay tinulungan mo parin siya, isa ka ngang tunay na tagapagligtas" puri naman ng babaeng konseho. Umigting ang bagang ko dahil dun. Ginawa niya ba ito para mas lalong hahangaan siya ng lahat? Para puriin na siya ang pinakamabait na nilalang?

"Ngunit maaaring babalik ang kapangyarihang itim na nagkontrol sa kanya kaya kaylangan parin siyang bantayan" nakangising sabi ni Divine. Nagngitngit ang paningin ko dahil sa kasinugalingan niya.

"Kung ganun, mas nakabubuting mananatili lamang siya sa kalungan Divine" seryosong sabat naman ng isa pang konseho. Napakurap ako. Hindi, hindi pwedeng babalik na naman ako doon. Tama na ang ilang araw ng pagkakakulong ko. Sasakyan ko ang kasinungalingan ni Divine dahil makikinabang din naman ako dito.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon