Chapter ♥ 45

2K 101 112
                                    

Blaire POV

Humanda kaming magkakaibigan nang lumitaw sa aming harapan ang tatlong demon. Agad uminit ang dugo ko habang nakatitig sa mga ito, lalo na't naaalala ko ang mga pinanggagawa ng mga ito. Pinalabas ko ang yelo kong espada. Gusto ko silang patayin sa sarili kong mga kamay para maramdaman nila ang aking poot dahil sa kanilang nagawa.

"Hayaan niyo na ako dito" malamig kong sabi at hinigpitan ang pagkahawak ko sa aking espada.

"Pero Snow, tatlo sila" nag-alalang angal ni Aubrey. Pinukulan ko lang siya ng seryosong tingin kaya tumahimik naman ito. Di nadin pumalag ang iba ngunit ramdam ko ang mga pagtutol nila.

"Hayaan niyo na siya, gusto lang yan magpasikat kaya pagbigyan niyo na" maarteng sabi ni Divine. Di ko lang ito pinansin dahil baka ito pa ang mauna kong mapatay.

Umungol naman ang mga kalaban. Unang sumugod ang isa at naging mabilis ang galaw kong sinalubong ito habang nakatagilid ang aking espada. Nilagpasan ko ito at alam kong napuruhan ko ang kanyang tagiliran dahil nakita ko ang itim na likido sa aking espada. Mabilis akong lumuhod sabay umikot ng mabilis habang mahigpit nakahawak sa espadang nakaabante. Tumama iyun sa tiyan ng isang kalaban na susugod na sana sa akin. Umungol naman ito dahil sa sakit at agad lumayo sa akin. Agad namang sumugod ang dalawa kaya mabilis akong tumihaya at kitang kita ko ang pagdaan ng kanilang mga kuko sa taas ng aking mukha. Mabilis akong nagtambling sabay pinadalawa ang espadang hawak ko. Agad kong pinadalisdis ang sarili sa lupa at sumuong sa kanilang mga delikadong kamay. Mabilis kong pinaatras ang dalawa kong espada at tumarak iyun sa dalawang likod ng kalaban. Humihiyaw naman ang mga ito sa sakit. Marahas kong binunot ang mga espada at sinalubong ng malakas ng sipa ang isa pang kalaban. Tumalsik naman ito sa lupa. Agad akong nagteleport sa ibabaw nito at sabay kong itinarak ang aking espada sa lupa sa magkabilang gilid ng leeg nito. Marahas ko itong pinagkrus at bumaon iyun sa leeg ng kalaban. Umawang naman ang kanyang bibig at nagpumilit parin itong lumaban. Gigil na gigil kong ibinaon ng tuluyan ang espada kaya naputol ang kanyang ulo.

Marahas akong napalingon sa gilid at naramdaman kong papalapit sa akin ang dalawang natirang kalaban. Ang tigas naman ng mga ito. Agad akong nagtambling ng mataas at naglanding sa kanilang likod. Luminga linga naman sila na parang may hinahanap. Tumaas ang sulok ng labi ko. Nagpalutang ako sa ere habang nakatingin parin sa dalawang kalaban. Sinipulan ko ito at sabay naman silang napalingon sa kanilang likod ngunit hindi sila nakatingin sa itaas.

"Huy! Dalawang pangit! Dito!" sigaw ko habang nakataas parin ang sulok ng labi. Sabay na naman silang napatingin sa akin. Bumulusok ako pababa habang ang mga espada ay nakatagilid na parang nakadikit sa aking mga braso. Dumaan ako sa gitna nila at nilagpasan sila. Nakalapag ako sa lupa kasabay ng pag-bagsak ng dalawa nilang ulo. Nakangisi ko itong nilingon at nakita kong nakatayo parin ang mga katawan nila ngunit wala na ang mga ulo nito. Maya maya sabay ang mga itong bumagsak sa lupa.

Marahas kong hinampas ang dalawang espadang hawak ko at nagsitalsikan naman ang mga maitim na likido sa lupa na kanina pa nakadikit lang sa aking mga espada. Pinakiramdam ko ang sarili at di ko naramdaman ang pagod, di man lang ako pinawisan. Hinarap ko ang aking mga kaibigan at nangunot ang noo ko nang nakanganga sila, maliban sa dalawang ayaw kong makitang magkasama na seryoso lang.

Tumikhim ako kaya napakurap naman sila. Agad nila akong nilapitan kaya pinaglaho ko na rin ang dalawa kong espada.

"Okay ka lang Blaire?"

"Oo nga Snow"

"Napuruhan kaba Blaire?"

Mga nag-alala nilang tanong sakin. Umiiling iling lang ako.

"Ano ba kayo, kitang kita niyo namang walang galos yan!" iritang sabat ni Divine na ngayon ay nakayakap kay Four na walang emosyon sa mga mata. Nakatanggap naman siya ng mga masasamang tingin nilang Scarllet.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon