Chapter ♥ 32

1.9K 76 60
                                    

Blaire POV

Pumasok kami sa silid trono nila at tumambad naman sa amin ang napaka eleganteng trono. Gawa ito sa yelo at ang uluhan nito ay may matutulis na yelo. May puting tela ding nakabalot na parang gawa sa balahibo ng pusa dahil sa mga maliliit nitong hibla.

Napadako naman ako sa babaeng nakaupo sa tabi ng trono. Napakaganda niya, may tiara siyang suot na gawa sa yelo na may mga diyamanteng palamuti. Kulay olandes ang kulot at mahaba niyang buhok na nakadagdag sa kanyang ganda. Para akong nakakita ng diyosa, napansin kong may pag kahawig siya kay Azlan. Sino ang babaeng ito?

"Tată, mama ne avem oaspeții" (Ama, Ina may panauhin po tayo) saad ni Azlan sabay lukob simbulo ng pagbigay galang. Ama, Ina? Ang ibig ba niyang sabihin ay Ina niya ang babaeng ito? Ang Reyna. Imposible, sa ganda niya ay parang magkaedad lang kami.

Ngumiti naman ng mahinhin ang Reyna habang nakatingin sa akin. Kahit mahinhin ito ay nararamdaman ko paring napakalakas niya.

"Mulțumită frumoasei talei laudă bună, doamnă bine că ai spus" (Salamat sa maganda mong pagpupuri magandang binibini, natutuwa ako sa sinabi mo) mahinhin niyang wika at nagulat naman ako doon. Wala naman akong sinabi para malaman niya, ngunit hindi iyun imposible kung nababasa niya ang aking pag-iisip.

"Ai dreptate, pot citi gândul, dar recunosc că am dificultăți în față, ca nu cu cei cu care vă aflați cu gândurile. Ești foarte frumoasă și vreau" (Tama ka binibini, nababasa ko ang iyung pag-iisip ngunit aminin kong nahihirapan ako sa una-una, di gaya ng mga kasama mo na ka'y daling basahin ang mga pag-iisip. Napakamisteryoso mong babae at gusto ko iyun) napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Kung ganun ay napaka makapangyarian niyang mind reader. Ngunit hindi maaaring lagi nalang niyang basahin ang aming pag-iisip dahil mawawalan kami ng privacy nun.

"Iartă-o pe tineri, nu voi repeta" (Patawad binibini, hindi ko na uulitin) taos niyang hingi. Napahilaw naman ang aking tawa dahil hindi ko matanggap na may Reynang manghingi ng kapatawaran sa mababang uri ng nilalang na kagaya ko.

"Ah hehehehe wala po iyun, pasenya narin" ngiting-ngiti saad ko. Ano ba ito, ang awkward naman. Ako lang ang nagsasalita dito.

Naagaw lahat ng atensyon namin nang may lumabas sa likod ng trono. Isang napakagandang lalaki at napaka elegante ng besti niya kagaya ng Reyna. Siguro ito ang Hari at walang duba, nagmana talaga si Azlan sa kanila. Umupo ito sa trono at matiim kaming tiningnan. Ramdam ko ang malakas na enerhiyang nananalaytay sa dugo niya. Nakatayo na pala si Azlan at di ko man lang iyun napansin kanina.

"Te face să știi oaspeții noștri" (Magpakilala kayo aming mga panauhin) kalmadong saad ng Hari ngunit maririnig mo parin ang kalamigan ng boses nito.

"Ano sabi?" mahinang tanong ni Scarllet.

"Magpapakilala daw tayo" mahinang tugon ko at tumango tango naman sila.

"Ahm hi, ako nga pala si Scarllet Brooklyn prinsesa ng Earthenous kingdom" naunang nagpakilala si Scarllet at sumunod nadin kami hanggang sa natapos. Nagulat pa nga sila dahil ang kanilang mga panauhin ay mga prinsesa at prinsepe ng iba't ibang kaharian, maliban lang sa amin ni Aubrey.

"Mă bucur să te cunosc. Eu sunt Arthoru Elvevrous, această Împărăție a acestei Împărății și aceasta este soția mea de Melody Elvevrous" (Ikinagalak kong makilala kayo. Ako nga pala si Arthoru Elvevrous, Hari ng kahariang ito at ito ang aking asawang Reyna na si Melody Elvevrous) taas noong pakilala ni Haring Arthoru at tumango lang ang kanyang asawa sabay ngiti.

"Este, de asemenea, o nouă modalitate de a cunoaște Arthoru și Melody" (karangalang makilala din kayo Haring Arthoru at Reynang Melody) magalang saad ni Four. Namangha naman ang Hari at Reyna dahil siguro'y nakapagsalita si Four ng lenguwahe nila. Samantalang ang ibang kaibigan ko ay tumango lang sabay ngiti dahil di naman nila naintindihan ang sinasabi ng mga ito.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon