Chapter ♥ 36

1.8K 73 66
                                    

Blaire POV

Paglabas ko sa dormitoryo ng mga lalaki ay agad din akong napahinto nang nakita ko si Four at si Divine na parang may inaabangan. Nakita ko ang walang emosyong mga mata ni Four kaya bigla na namang sumikip ang dibdib ko. Napaigtad ako nang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Are you going to your room baby? Do you want me to accompany you?" napalunok ako sa boses ni Josh dahil para itong nangaakit na parang naglalambing. Anong ginagawa ng lalaking ito? Kalasin ko na sana ang mga braso niya ngunit mas humigpit lamang ito.

Napatingin ako kay Four at kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Kitang kita ko din ang pagyukom ng kanyang mga kamay. Napakagat ako ng labi dahil naintindihan ko ang gustong gawin ni Josh. Dahan dahan ko siyang nilingon at nanigas nalang ako dahil isang dangkal nalang ang namamagitan sa mga mukha namin. Kumarap ako para hindi tuluyang di makapagsalita.

"Ah hindi, ihatid muna lang ako sa dorm ko" magaan kong tugon at tumango tango naman si Josh.

"Okay baby, let's go" saad niya at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ngunit ang isa niyang kamay ay nakahawak sa beywang ko. Lalakad na sana kami nang nagsalita si Divine.

"Owh kainggit ang sweet niyo naman, diba love?" napalingon kami sa kanila dahil sa malanding sabi niya. Sumikip ang dibdib ko nang may dumaang sakit sa mga mata ni Four  ngunit agad din itong napalitan ng lamig. Tumalikod na ito at naglakad ng di kasama si Divine.

"Bagay kayo" nakangising sabi ni Divine at agad niyang nilingon si Four.

"Love antay!" dugtong niyang sigaw kay Four at dali dali siyang tumakbo para habulin ito. Napabuga ako ng mabibigat na hininga at muntikan pa akong mawalan ng balanse dahil sa pang hihina ng tuhod ko.

"Are you okay?" nag-alalang tanong ni Josh kaya kinalma ko ang sarili bago tumango.

"Mauna na ako" saad ko at maglalakad na sana ako nang agad niya akong pinigilan.

"Ihatid na kita" nakangiti niyang sabi at tumango lang ako kaya nagsimula na kaming naglakad. Tanghalian ngayon at wala akong ganang pumasok, mas mabuting matulog nalang ako.

"Bakit mo ginawa yun?" malumay kong tanong sa kanya habang tinahak namin ang pasilyo papunta sa dormitoryo.

"I just want to help you" tugon niya kaya nilingon ko ito habang nakakunot ang noo.

"Tulong? Bakit? Wala naman nangyaring masama sa akin" naguguluhan kong saad.

"Yes, walang nangyaring masama sayo physically but you can't hide your feelings from me Blaire. I knew, you're suffering because of pain" sabi niya at napatahimik ako doon. Tama siya. Bumuntong hininga nalang ako. Pero di ko maiwasang magtaka, sa mga galaw at salita niya parang kilalang kilala na niya ako. Gusto kong magtanong pero mas pinili ko nalang ang manahimik.

Nakarating kami ng dormitoryo at agad naman akong nagpaalam sa kanya para pumasok. Agad akong pumasok sa aking silid ng hindi man lang kumain, di naman ako nakaramdam ng gutom kaya kampante na ako. Nagpalit ako ng komportableng damit, pagkatapos  natulog.

Nagising ako nang may kumatok sa aking pintuan. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Nakaramdam narin ako ng gutom pero wala akong lakas para pumunta ng silid kainan. Bumaba ako ng kama at pinagbuksan ang kumatok sa pintuan. Tumambad naman sa akin ang nakasimangot na mukha ni Aubrey, may dala siyang tray at may naglalaman iyung mga pagkain na nakalagay sa dalawang plato. May tubig din, kutsara at tinidor.

"Snow, kainin mo tong dala ko ng hindi kita masapak" seryoso niyang sabi ngunit agad din itong ngumiti. Inabot niya sa akin ang tray kaya kinuha ko ito.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon