Chapter ♥ 21

2.2K 101 37
                                    

Blaire POV

Pagkatapos nun ay napagdesisyunan naming bumalik na ng akademya. Pagdating namin ay agad akong nagpaalam sa kanya na pumasok sa aking silid. Naligo ako at agad din namang natapos. Pumaibabaw ako sa aking higaan at agad din akong hinila ng dilim dahil din siguro sa pagod.

Nagising ako ng alas singko ng umaga. Agad ko namang ginagawa ang ritwal pag katapos ay isinuot ang uniporme. Lumabas ako ng silid at bumaba. Nadatnan ko naman sina Acel at Alexis sa kusina na naghahanda ng agahan.

"Good morning Blaire, breakfast is ready" nakangiting bati sa akin ni Alexis. Ngumiti lang ako, ang laking pagbabago niya at nagugustuhan ko iyun.

Umupo ako ng silya at dumating naman ang ibang kasamahan namin. Nakita kong papaupo na si Four sa aking gilid ngunit napaatras nalang ako ng kaunti nang inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko.

"Good morning babe" bulong niya sakin. Napalunok nalang ako dahil ramdam ko ang mainit niyang hininga. Bakit kaylangan pang ibulong? Pwede naman niyang sabihin iyun sa harap ng aming kaibigan.

Lumayo naman siya sakin at umupo na ito kaya nakaginhawa ako ng maayos. Nilibot ko ang paningin at nasilayan ko naman ang mga panunuksong tingin ng mga kaibigan ko. Napairap nalang ako at nagsimula ng kumain.

Agad din kaming natapos sa aming agahan at pagkatapos nun ay nilagay lang namin ang mga pinagkainan sa lababo. Lumabas kami ng dormitoryo at tinahak ang pasilyo. Nakita naming  may mga studyanteng nag-iinsayo. Ang ibig ba nitong sabihin ay tama ang aking hinila? Na hindi pa tapos ang aming pag-iinsayo.

To all Royalties! Please proceed to Arena!

Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan.

Again! Please proceed to Arena!

Naging mabilis ang aming mga hakbang hanggang sa tinakbo na namin ang pasilyo patungong Arena. Mas mabuti nadin ito para mabuhay ang mga dugo namin.

Hingal-hingal kaming nakarating sa loob ng Arena. Nangunot ang aking noo dahil sa katahimikang bumungad sa amin. Hindi sa amin kundi sa akin. Agad kong nilibot ang paningin. Saan ang aking mga kaibigan?

Ngayon ko lang napagtantong may kadiliman pala ang lugar ng kinaroroonan ko ngayon. Di ko lubos maaaninag ang paligid dahil din sa mga maiitim na usok.

Agad akong napalingon sa likod nang may narinig akong kaluskos. Tinalasan ko ang pandinig at mga mata ngunit wala akong nakita. Saan ako?

"Aaahhhhhh!" naalerto ako nang may sumigaw sabay baling sa kanang bahagi. Agad akong tumakbo doon nang may nahagilap akong isang babaeng kinaladkad at agad din itong naglaho.

Lumakas ang tambol ng aking dibdib dahil sa aking iniisip. Sana'y walang nangyari sa mga kaibigan ko. Tumahimik naman ang paligid kaya mas lalo kong tinalasan ang aking pandinig.

"Aaahhhh tulong!" wala sa sarili akong napatakbo sa likod at agad akong napahinto nang may naramdaman akong malakas na presensya. Hindi ito pang karaniwang charmer at mage. Hindi pamilyar sa akin ito.

Agad akong napalingon sa kaliwa at nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking nasaksihan. Sakal si Four sa isang malaking nilalang na maitim. Nakita kong nahihirapan na siya sa paghinga.

Ang nilalang na ito ay kagayang-kagaya sa nilalang na pumatay noon sa babae. Naagaw ang aking atensyon sa gilid nila. Nakita ko si Scarllet na patakbong papalapit sa kanila at duguan na ito. Napaigtad ako dahil may tumagos sa kanyang dibdib at marahas iyung nahugot. Parang tumigil ang aking mundo dahil sa awa at galit. Bumulagta si Scarllet sa sahig at nakita ko ang isa pang nilalang. Kagaya din ito sa isa. Hawak niya ang puso ng kaibigan ko at walang pag-alinlangan itong kinain.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon