Chapter ♥ 31

1.8K 65 37
                                    

Blaire POV

Naalisto kami nang tinutukan nila kami ng kanilang mga pana. Nasa bente silang lahat. Ang tatangkad nila at ang puputi, pati na ang mga mahahaba nilang buhok. Para silang mga prinsipe dahil sa mga suot nila. Ang gaganda nilang mga lalaki kahit medyo mahaba ang kanilang mga tenga.

"Ce faci pe teritoriul nostru?" (Anong ginagawa niyo sa aming teritoryo?) awtoridad tanong ng isa.

Nangunot naman ang noo ng mga kasamahan ko.

"Anong sinasabi nila?" bulong tanong ni Aubrey sa akin. Nangunot naman ang noo ko. Ang ibig ba niyang sabihin ay hindi niya naintindihan ang lenguwahe ng mga kaharap namin ngayon? Kung ganun bakit naintindihan ko ang sinasabi nito?

"Ai răspuns dacă nu vrei să mori!" (Sumagot kayo kung ayaw niyong mamatay!) napaigtad naman ang ibang kasamahan ko nang sumigaw muli ang nagsasalita sa kanila.

"Nandito kami para sa isang misyon" seryosong tugon ko at napatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko na nakakunot ang mga noo.

Nagkatinginan naman ang mga Elves at nilingon ako muli.

"Ce fel de misiune?" (Anong klaseng misyon?) seryosong tanong nito muli sa akin. Siguro ito ang leader nila dahil ito lang lagi ang nagsasalita. Pero bakit naintindihan nila ang sinasabi ko? Ang daya nun kung tutuusin.

"At bakit ko naman sasagutin ang tanong mo ginoo?" malamig kong balik tanong sa kanya. Hindi pwedeng basta basta ko nalang sasabihin ang pakay namin, lalong lalo na't ngayon ko lang sila nakasagupa. Mahirap magtitiwala ka agad dahil ang tiwala ay hindi basta basta maibibigay kung kani-kanino lang.

"Crezi că încă mai ai o alegere? Vă putem ucide dacă vrem să spunem mai întâi întreb" (Sa tingin mo ba binibini may mapagpipilian pa kayo? maaari namin kayong patayin kung gugustuhin namin kaya sabihin muna ang tinatanong ko) malamig tugon niya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Maaaring kaya nilang gawin iyun, maaaring marami pa silang naninirahan dito. Ngunit anong lugar ang napapasukan namin? Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita muli.

"Narito kami para sa diyamanteng bato" sagot ko sa tanong niya dahil totoong wala na akong mapagpipilian.

"Și ce vei face cu stânca?" (At ano naman ang gagawin niyo sa bato?) naagaw lahat ng atensyon namin nang may nagsalita. Kaya agad akong naglibot ng tingin ngunit wala akong nakita. Nangunot ang noo ko nang nagsiyukuan ang mga Elves.

Lumingon ako sa likod at nahugot ko ang aking hininga nang nakasalubong ko ang mapang-akit na mukha. Nakayuko siya sa akin kaya medyo naabot ito ng kunti. Napaka perpekto ng mukha niya. Kulay olandes ang kanyang mga kilay pati na ang mga pilik-mata, matangos ang ilog at mapupula ang mga labi. Umiigting din ang kanyang panga kagaya ni Four. Mahaba din ang mga tenga nito.

Napalunok ako nang ngumisi ito sa akin. Siya ang tipong isang ngisi lang ay manlupaypay na ang buo mong pagkatao.

Nabalik ako sa reyalidad nang may humila sa akin. Tiningnan ko naman kung sino ito at napakagat nalang ako ng iibang labi dahil sa mukha ni Four na parang papatay na ng wala sa oras.

"Nu simți că se va apropia din nou dacă nu doriți să experimentați cât de greu este în iad." (Wag na wag kang magkakamaling lapitan siya muli kung ayaw mong maranasan kung gaano kahirap ang nasa impyerno) napaawang naman ang aking bibig dahil sa pagbabanta ni Four. Nakakapagsalita siya ng lenguwahe ng mga Elves? Kung ganun ay naintindihan niya ang mga sinabi ng isang Elves kanina ngunit bakit hindi siya nagsasalita?

"Nu-ți face griji că nu l-aș lua, dar nu poți să mă admira la frumusețea ei frumoasă" (Wag kang mag-alala, di ko agawin siya sayo ngunit di mo maalis sa akin ang humanga sa taglay niyang ganda) napabaling naman ako muli sa binatilyong nakaharap ko kanina dahil sa sinabi nito. Nasilayan ko naman ang mapang-asar niyang ngisi kay Four at naramdaman ko namang bumigat ang tensyon sa pamamagitan nilang dalawa.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon