Chapter ♥ 44

1.9K 86 63
                                    

Blaire POV

Agad akong nakarating sa aking silid ngunit narinig ko naman ang pagkulo ng aking tiyan. Hindi kasi ako nakakain ng tanghalian kaya nakaramdam narin ako ng gutom. Napagdesisyunan kong lalabas sana ng silid ngunit hindi naituloy dahil nakita ko pababa ng hagdanan si Four. Siguro'y mamaya nalang ako kakain. Nag-impake ako ng mga gamit para sa misyon at pagkatapos naligo. Nagbihis ako ng puting besti ngunit nasa kalahating hita ko ito kahaba. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang aking namumugto mga mata pero mas lalo itong lumamig. Napansin ko rin ang pamumutla ko.

"Blaire" napaigtad ako dahil sa gulat nang biglang lumitaw si Josh sa aking likod. Ano bang lalaking ito, papatayin siguro ako sa nerbiyos.

Mataray ko siyang nilingon. Agad nalukot ang aking noo at umasim ang aking mukha.

"Anong amoy nayun?" sumisinghot kong tanong. Di ko gusto ang amoy ngayon, ang tapang at ang sama. Para akong masusuka.

"Ito ba?" nakangiting tanong niya sa akin at itinaas ang dala niyang tray. Tiningnan ko ito at para namang hinukay ang aking sikmura. Agad akong tumakbo papasok ng silid paliguan at sumuka sa lababo. Parang lahat ng lamang loob ko ay lumabas ngunit laway lang pala. Naramdaman kong may humihimas sa aking likod.

"Are you okay?" nag-alalang tanong ni Josh. Di ako sumagot at nagpatuloy sa pagsuka. Maya't maya ay kumalma ang aking pakiramdam. Nanghilamos ako at pinahiran ang mukha ng tuwalya na nasa lababo. Makailan lang ay naramdaman kong nahihilo ako paminsan minsan ngunit binaliwala ko lang iyun. Nilingon ko si Josh nang tuluyan ng kumalma ang aking pakiramdam ngunit di ko maikubli ang panghihina ng aking katawan.

"Anong klaseng pagkain ba yun? Ang sama ng amoy" reklamo ko habang nakasimangot. Nangunot naman ang noo niya.

"Bakit masama ang amoy? Nakakagutom nga ang amoy nun" pagtutuwid niya. Nanliit naman ang mga mata ko.

"Ah basta! Kung magdadala ka ng pagkain yung hindi masama ang amoy!" singhal ko sa kanya at iniwan ko siyang nakakamot sa batok habang may naalibadbarang mukha.

Nilibot ko ang aking paningin at napangiwi ako dahil nasa mesa ang dalang tray ni Josh na may mga pagkaing masasamang amoy.

"Josh! Ialis mo tong dala mong pagkain!" naiirita kong sigaw. Agad naman siyang lumabas ng silid paliguan at nagmamadaling kinuha ang dala niyang pagkain. Naglaho ito sa aking harapan na parang bula kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Humiga ako ng kama at tumunganga lang sa kisame. Ano bang nangyayari sa akin? Noon wala naman akong problema pagdating sa pagkain. Wala akong pinipili basta malunok ko lang okay na ako. Agad akong bumangon nang lumitaw muli si Josh na may dala na namang tray.

"Heto, siguro naman di na to masama sa pang amoy mo" saad niya at inabot sa akin ang tray. Nilagay ko ito sa aking hita at isa isang tiningnan ang mga pagkain. Masarap ang mga ito at hindi masama ang mga amoy, di kagaya kanina.

Agad ko itong nilantakan dahil takam na takam narin ako. Napapikit ako dahil sa sarap ng lasa.

"Do you like it?" tanong niya at naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama. Nagmulat ako at agad tumango tango sabay subo muli ng pagkain. Agad ko naman itong natapos at napahimas himas ako sa tiyan dahil sa busog.

"Ahmm mawawala pala ako ng ilang araw" walang malisya kong sabi at nangunot naman ang noo niya. Napag-isipan kong di naman masama ang ipaalam sa kanya na mawawla ako, baka kasi pupunta na naman siya dito.

"Bakit saan ka pupunta?" taka niyang tanong.

"May pinautos sa amin si HM" kaswal kong tugon. Napatigil siya na tila nagiisip bago tumango tango.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon