Chapter ♥ 54

2.2K 91 198
                                    

A/N: I dedicate this chapter to starnaqueen

Blaire POV

Andito ako ngayon nagmumukmok sa loob ng kulungan dito sa akademya habang nakaupo sa sahig. Wala paring tigil ang mga luha ko. Di ko akalain na hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Naniniwala na akong hindi lahat ng nakukulong ay masasama at hindi lahat ng malaya ay mabubuti. Napatitig ako sa suot kong pulseras, ang bagay na may taglay na kapangyarihan para i-sealed ang kapangyarihan ko. Hindi ko din ito matanggal tagal. Wala sa isip ko ang tumakas dahil baka lalala pa ang mga pangyayari. Kumulo na ang aking tiyan dahil kahapon pa ako hindi kumakain. Ano kayang mangyari sa akin sa araw ng paglilitis? Sana hindi maapektuhan itong dinadala ko. Hinawakan ko ang aking tiyan at marahang hinaplos.

"Anak, pasensya na kung iyakin si Mama. Kumapit ka lang ah, di tayo pababayaan ng nakatataas" sumisinghot kong sabi habang nakatingin sa tiyan. Dahan dahan kong isinandal ang ulo sa dingding. Nakakapanghina talaga ang umiyak lalo na't ang tindi ng dahilan.

Ang saklap. Nawalan na nga ako ng minamahal, kaibigan tapos nawala pa ang tiwala ng lahat ng mag-aaral sa akin. Ang tanging hangad ko lang naman ay mailayo sila sa kapahamakan, pero bakit ganito ang nangyari? Nagpalabas ako ng mabibigat na hininga at pinikit nalang ang mga mata. Sana pag-gising ko sisikat ang araw para mabigyan liwanag ang buhay ko. Unti unting kumalma ang aking sarili hanggang sa tuluyan akong hinila ng dilim.

NAALIMPUNGATAN ako nang may humaplos sa aking pisngi. Dahan dahan akong nagmulat at bumungad naman sa akin ang mukha ni Josh. Kumurap ako dahil baka naghalusinasyon lamang ako ngunit hindi. Nabuhayan ang aking dugo at agad umayos sa pagkakaupo. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang awa pero hindi ko iyun pinansin. Paano siya nakapasok?

"I'm sorry Blaire kung nahuli ako" malungkot niyang sabi. Umiling-iling lang ako dahil wala naman siyang dapat i-hingi ng tawad.

"Wag kang humingi ng tawad dahil wala kang kasalanan" pilit kong ituwid ang aking boses para hindi siya maging malungkot. Ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Owh I almost forgot, I have something for you" nakangiti niyang sabi at may kinuha siya sa kanyang likuran. Bigla akong natakam nang hinarap niya ito sa akin. Mga pagkain. Napalunok ako dahil kanina pa ako gutom. Nakabubuti at nakapagbigay lakas ang pagkain sa isang taong gutom ngunit ang taong lamon ng lamon kahit busog ay nakakasama iyun sa kanyang kalusugan. Dahil iyun ay kaabusuhan.

"Akin yan?" agaran kong tanong. Tumango tango naman siya kaya agad kong inagaw sa kanya ang mga pagkain. Narinig ko naman ang mahina niya pagtawa. Di ko na siya pinagtuunan ng pansin at agad nilantakan ang mga pagkain.

"Okay ka lang ba dito Blaire?" narinig kong nag-alala niyang tanong. Bigla namang kumirot ang puso ko. Nilunok ko muna ang pagkain bago siya tiningnan.

"Wala akong mapagpipilian Josh" malumay kong sabi at bumalik sa pagsubo.

"Anak ng tokwa naman oh!" sabay kaming napatingin sa labas nang may sumigaw. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bantay na nagsimula ng binuksan ang kandado. Taranta akong napatingin kay Josh. Agad kaming napatayo nang tuluyang nakapasok ang bantay at galit niya kaming hinarap.

"Huy lalaki paano ka nakapasok?! Umalis kana bago pa kita isumbong sa mga konseho at pwede ba? wag mong bigyan ng pagkain ang babaeng yan!" singhal niya. Nakita ko naman ang pagyukom ng mga kamao ni Josh. Palihim ko iyung inabot at hinawakan kaya napatingin siya sa akin. Nagkatitigan kami sa mga mata.

"Umalis kana Josh, okay lang ako dito" sabi ko sa kanya gamit ang telepatiya. Nagkasalubong ang kilay niya na parang tutol siya sa aking disesyon.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon