Chapter ♥ 49

2.1K 94 145
                                    

Blaire POV

Nakarating kami sa Aircous Kingdom at mainit naman kaming sinalubong ng mahal na hari't reyna, ang mga magulang ni Acel. Napaka eleganteng tingnan ang pagkagawa ng kanilang kaharian. Halos puti at itim na ulap ang makikita mo ngunit may makikita ka paring patay na halaman. Sa katunayan ay nakalutang ang lugar na ito sa himpapawid kung saan matatakpan ng makakapal na ulap. Marami ka ding makikitang mga iba't ibang ibon.

Andito kaming lahat ngayon sa silid kainan para kumain dahil agad kaming inimbita ng hari at reyna para mag-agahan. Kani-kanina lang naramdaman kong may kakaiba sa akin. Maiigi kong pinagmasdan ang bawat putaheng nasa harapan ko ngunit wala ni isa akong nagustuhan. Ang lahat ng ito ay pinahanda ng reyna para sa pagtanggap sa amin at dahil bumisita ang kanilang anak, kahit kulang din sila sa mga pagkain pang-araw-araw. 

"Masaya akong makasabay kayong lahat sa pagkain nitong araw at lalong lalo na sa anak namin ni Shandie" nakangiting sabi ng hari na si Torres.

Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang pagkain na nakahain sa harapan ni Lucy. Di ko parin iyun gusto. Naging malikot ang aking mga mata hanggang sa napadako ang aking tingin sa isang mansanas na nasa bunganga ng isang lalaking nasa tapat ko nakaupo.

"Masaya rin kaming makasama kayo tita at tito sa araw na ito" nakangiting tugon ni Alexis na kanina lang pinakilala siya ni Acel bilang kasintahan.

Agad akong tumayo at walang pag alinlangan kong inagaw ang mansanas sa bunganga ni Four. Bigla nalang tumahimik ang paligid ngunit hindi ko iyun pinansin at bumalik sa pagkakaupo ng hindi tinitingnan kung anong naging reaksyon ni Four. Agad kong nilantakan ang tirang mansanas at napapikit nalang ako dahil sa sarap. Ganang ganado ko itong inubos at nang wala na akong manguya ay bumalik ang aking tingin kay Four na ngayon ay pumakpak na naman ng mansanas pero parang wala siya sa tamang wisyo dahil para itong tulala na nakatingin sa akin. Bigla na naman akong naglaway sa mansanas na kasalukuyang kinain niya. Muli akong tumayo at inagaw iyun. Narinig ko nalang ang pagsinghap ng iba ngunit hindi ko parin iyun pinansin at kumagat ng mansanas. Bakit kasi ang sarap lalo na't may kagat ng iba.

"Walang-hiya ka! Malandi ka talaga kahit kaylan!" napatingin ako kay Divine na ngayon ay nakatayo habang nag-aalboroto. Patay malisya ko siyang tiningnan habang kinakain parin ang mansanas.

"Shut up Divine" mahina at diing sita ni Four habang nakataas ang isang braso niya na siyang pumipigil kay Divine na sugurin ako. Habang ang tingin niya ay nasa sa akin. Para niya akong pinag-aralan na parang isang prey at siya naman ang predator na maingat nagmamanman. Dahan dahan siyang umupo kaya napaupo nalang din si Divine na ngayon ay nagpipigil para magwala.

"Ahmp Blaire, marami pa kaming mansanas kung gusto mo" mahinahong sabi ng reyna kaya napatingin ako sa kanya. Agad akong umiling iling. Ang kinakain ko ay sapat na para mabusog.

"Di na po, salamat nalang mahal na reyna" kaswal kong sabi at inubos ang mansanas.

"Osige, ipagpatuloy na natin ang pagkain" sabat naman ng hari. Narinig ko naman ang pagtikhim ng iba kaya napatingin ako sa kanila na ngayon ay kanya kanyang umiling-iling.

"Do you want to eat this Blaire?" agad akong napatingin sa kabilang gilid ko at nakita ko naman ang pagkain na mushroom na inabot ni Josh. Tumingin ako sa mga mata niya at humawak sa tiyan bago umiling-iling para ipahiwatag sa kanya na busog na ako.

Napatingin ako muli kay Four na ngayon ay kumain ng ibang pagkain habang nakaupo na parang walang naging nangyari.

Dahil tapos na akong kumain ay nananatili lang akong nakaupo habang inantay silang matapos kumain. Ayuko naman maging bastos na basta basta nalang aalis habang kumakain pa ang iba. Maya maya ay natapos narin silang kumain kaya napagdesisyunan naming magkakaibigan na mamasyal muna sa labas at nagpaalam narin kaming magtanim ng punong prutas kung sakaling may matagpuan kaming lugar na pwedeng taniman. Nakiusap ang hari't reyna na magdala kami ng pagkain para maibigay sa mga tao na nasa labas. Hindi kasi sila pwedeng makalabas dahil mahigpit iyung pinagbilin ng nakatataas na heneral dito. Hindi ko alam kung bakit, siguro'y para lamang iyun sa kaligtasan nila.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon