Chapter ♥ 17

2.3K 103 25
                                    

Blaire POV

Agad namang binato ni Two ang hawak niyang Ring sword sakin kaya agad din akong tumihaya at rinig na rinig ko ang pagdaan nito sa ibabaw ko.

Agad akong bumalik sa pagkakatayo at mabilis ang naging galaw ko ay agad ding nagback flip nang hinampas ni One ang hawak niyang Halberd sakin. Ilang ulit din akong nag tambling dahil hindi ako tinantanan nito. Nang nakahanap ako ng tiyempo ay naglanding ako sa sahig at agad akong tumihaya patagilid. Malakas kong pinalo ang tagiliran niya gamit ang sandata ko.

Dahil sa ginawa ko ay naitulak ko siya sa dingding at malakas siyang tumama doon.

Agad akong nag-ayos ng tindig at humanda muli. Nakita kong galit na si Two habang nakatingin kay One kaya mas lalo akong naging alisto.

Marahas naman niya akong binalingan ng tingin at galit itong sumugod sakin sabay bato ng Ring sword niya kaya agad din akong tumihaya, ngunit naging mabilis lang iyun. Sinundan naman niya ako ng suntok kaya mabilis ko itong inilagan.

Sunod-sunod ang suntok niya kaya ilag lang ako ng ilag.

"Lumaban ka duwag!" galit niyang sabi kaya agad kong hinawakan ang kamao niya at malakas ko itong pinigilan.

Taka itong marahas tumingin sakin at pilit nitong bawiin ang kamao niya mula sa kamay ko. Susuntok na sana siya gamit ang isa niyang kamay ay agad ko namang inunahan ito sa pamamagitan ng pagsuntok sa mukha niya.

Sa lakas ng suntok ko ay nabitaw ko ang kamao niya at bumulagta naman siya sa sahig habang sapo sapo ang mukha niya.

Lumingon ako sa likod para tingnan si One at laking gulat ko nang tutusukin na sana ako nito sa dibdib at buti ay agad kong nahawakan ang Halberd niya, kung saan ang parte nito na kahoy. Pero sa kasamaang palad ay nabitawan ko naman ang pamalo ko. Nahawakan ko nga ito ngunit nahihirapan ako sa pag-ilag ng palakol nito kaya nadaplisan ang braso ko at agad iyung dumugo.

Marahas ko namang tiningnan siya at pilit pinipigilan ang sandata niyang gusto akong tusukin. Nasilayan ko din ang malademonyo niyang ngisi at malakas nitong itinulak ang sandata niya kaya napaatras nalang ako. Tatlong dangkal nalang ang namamagitan ng dibdib ko sa sandata niya. Mas nilakasan kopa ang pag pigil nito at atras ako ng atras nang hindi ito tumigil sa pagtulak.

Mabilis akong lumingon sa likod at nakita kong dingding na ang kahahantungan ko. Di parin siya tumigil hanggang sa narating nga namin ang dingding ngunit agad din inapak ang dalawa kong mga paa doon habang pilit paring pinigilan ang Halberd niya. Mabilis ang naging galaw ko habang lumakad sa dingding. Agad din akong nag tambling sa itaas at binitawan ang sandata niya.

Bumelo ako ng takbo at agad ding lumingon at malakas kong sinipa ang likod niya kaya sumalampak siya sa dingding. Narinig ko naman ang pag-igik niya.

Nilingon ko muli si Two at nakita kong nakatayo narin ito. Napangiwi naman ako dahil sa sugat ng natamo ko sa braso. Kumunot naman ang noo ko nang ngumisi siya at napahiyaw nalang ako sa sakit nang dumaan ang Ring sword niya sa hita ko at nasugatan ako nun. Malapit pa ako mawalan ng balanse ngunit agad ko namang naatras ang isa kong paa. Naputol pa ang jacket ni Four kaya tinanggal ko nalang ito. Marahas kong binalingan siya muli at di ininda ang sakit. Hawak na niya ngayon ang dalawa niyang sandata.

Ang sandatang ito, ay kung ihahagis mo sa kung saan ay babalik lang din ito sayo.

Pinulot ko ang aking pamalo habang titig na titig parin sa kanya. Muli niyang hinagis ang isa niyang Ring sword kaya mabilis akong umikot at sinalubong iyun gamit ang pamalo kong metal. Kalansingan naman ang namamayani sa paligid at dahil sa lakas ng pagkapalo ko ay tumarak ito sa dingding.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon