Chapter ♥ 28

1.9K 80 34
                                    

Blaire POV

Para namang may nagtulak sa akin at kamuntikan na akong mawalan ng balanse kaya agad kong pina abante ang isa kong paa. Nanlaki ang aking mga mata dahil akala ko makakaligtas na ako sa pagkakadapa ngunit mas naging komplikado ang sitwasyon nang nadulas ang isa kong paa at napangiwi nalang ako nang bumagsak ako sa yelo habang nakabikaka. Kinalma ko ang sarili at unti-unti kong inadjust ang aking mga hita sa pagkakabikaka. Lumingon ako at wala naman akong nakitang pwede kong labasan. Nangunot ang noo ko at agad naglibot ng tingin. Napaawang ang aking bibig dahil nasa lugar ako ng mga yelong makintab ang bawat anggulo. Isa itong kuweba. May apat namang bakuna ng mga di kalakihang kuweba. Saan ako?

"Hello! May tao ba dito?!" tanong kong sigaw sa kawalan at umeko naman ang aking boses sa bawat sulok. Tumahimik nalang ang paligid ngunit wala parin akong narinig na tugon.

Dahan-dahan akong tumayo ngunit nahihirapan parin lalo na't nadudulas ako sa tuwing ako'y susubok. Pero di ako nawalan ng pag-asa hanggang sa nagawa kong tumayo. Napabuga ako ng hangin bago naglibot muli ng tingin. Bakit ako nandito? Saan ang mga kaibigan ko? Napakagat ako ng iibang labi, maaaring ako lang ang nakapasok dito.

Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob. Kung maglalakad ako ay paniguradong madadapa na naman ako. Nangunot ang aking noo nang humanda ako sa paglipad ngunit walang nangyari. Sinubukan ko ulit pero di ko parin nagawa. Bakit?

Kung di ako makakalipad ay mabuti pang magisip ako ng ibang paraan. Napatingin ako sa mga paa ko at napataas ang aking mga balikat nang may naisip akong ideya. Sinubukan kong gumawa ng Ice skate ngunit nabigo lamang ako. Bakit hindi gumana ang kapangyarihan ko?

Sinubukan kong magpalabas ng ice ball at nakumpirma kong hindi nga gumagana ang kapangyarihan ko. Anong gagawin ko?

Napakagat nalang ako ng iibang labi dahil wala na akong mapagpipilian pa. Hinanda ko ang sarili at agad akong lumunsad padulas. Napangiwi nalang ako dahil sumakit ang aking dibdib. Nahinto ako sa pagdulas nang nakapasok ako ng isa sa apat ng mga di kalakihang kuweba. Laking pasasalamat ko dahil hindi na madulas ang loob nito.

Nangunot ang noo ko nang may dalawamg pares ng bota sa aking harapan. Dahan-dahan akong tumingala at nabuhayan ang dugo ko nang nakita ko ang mukha ni Four. 

"Are you okay?" tanong niya sakin. Gusto ko namang singhalan ito. Sa lagay kong ito, di ba niya mahahalatang di ako okay?

"Tulungan mo nalang akong tumayo ng maging okay ako" ngumiti ako ng peke habang sinabi ang mga yun. Lumuhod naman siya at hinawakan ang dalawa kong pulsuhan.

Inalalayan niya akong tumayo at pagkatapos agad akong nagpagpag ng sarili. Nilibot ko naman ang aking paningin.

"Saan sila?" takang tanong ko.

"Tayo lang ang nandito" tugon naman niya kaya napatango-tango nalang ako. May sumagi naman sa isip ko kaya tiningnan ko siya sa mukha.

"Kanina, sinubukan kong gumamit ng kapangyarihan ngunit bakit hindi ko magawa?" kunit noong tanong ko muli. Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita.

"Our powers are sealed in this area" mas lalong nangunot ang aking noo dahil sa tugon niya. Nakasealed? Ang ibig ba niyang sabihin na walang pag-asang magagamit ang kapangyarihan namin sa lugar na ito? Pambihira.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko muli at nagsimulang sumama ang timpla ko habang nakatingin sa unahan. Namumuro na kasi ang lugar na ito.

"To get the red stone" marahas akong napatingin sa kanya. Ano na namang red stone na yan? Ang daming arte ng misyon na ito.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon