Chapter ♥ 48

2.1K 95 115
                                    

Blaire POV

Nakabalik kami ng nayon at di ako makapaniwala na nasa pusod pala kami ng gubat dinala ni Hazel. Kaya nila kami natunton dahil may nakakakita sa amin kahapon na kasama si Hazel ngunit hindi nga lang ito nakakasigurado kaya pinalipas nito muna ngunit nong nawala kami ng ilang oras ay dun na ito nakasigurado na si Hazel talaga ang batang kasama namin kaya agad niya iyung sinabi sa mga kasamahan ko. Alam nilang kung saan kami tutontunin kasi madalas nangbibiktima si Hazel ngunit agad din naman nilang naaganap iyun.

Napagdesisyunan naming bumisita muna sa kaharian nilang Parker at agad naman kaming nakarating doon dahil hindi naman ito malayo sa nayon. Maganda at eleganteng tingnan ang kaharian. Di naman naghihirap ang mga nakatira doon ngunit nagkokontrol sila sa pagkain. Nakilala ko si Tiarra at Solomon, ang reyna at ang hari. Mabait sila pareho at medyo kalog din, nagmana nga talaga ang anak ng mga ito. May kababatang kapatid na babae si Parker na nagngangalang Aurora. Di din kami nagtagal ay agad naming pinuntahan ang kasunod na nayon na kung saan din ang kaharian ng Waterous Kingdom.

Nakatayo kami sa gilid ng dalampasigan habang tinanaw ang malawak na karagatan.

"Isuot niyo ang mga ito" agad akong napatingin kay Miles nang nagsalita ito. Binigyan niya kami ng tig-iisang pulseras na gawa sa perlas. Para saan ang mga ito? Napansin niya siguro ang pagkunot ng aming mga noo kaya kusa siyang nagpaliwanag.

"Isuot niyo yan para magkaroon kayo ng buntot at malayang makahinga sa ilalim ng tubig" mahinahong paliwanag niyang dugtong. Napatingin nalang ako sa mga paa. Ano kayang kulay ng aking buntot?

Nauna silang lumublob sa tubig kaya sumunod din ako. Isinuot ko ang pulseras at maya maya ay bigla nalang ako nawalan ng balanse. Naramdaman kong kusang nagdikit ang mga paa ko. Namangha nalang ako dahil kulay ginto ang aking buntot ngunit ang aking mga palikpik ay klase klaseng kulay. Ang ganda. Nawala din ang saplot na pang-itaas ko at mabuting may nakatakip sa aking dibdib na kaliskis na kulay ginto.

Napatingin ako sa iba at namangha din ako sa kulay ng kanilang buntot. Kay Aubrey ay kulay puti, kay Scarllet naman ay kulay berde, kay Lucy ay puti din, kay Alexis naman kulay pink, kay Sophie ay kulay asul, kay Kade ay kulay gray, kay Acel kulay puti din, kay Miles kulay asul ngunit para itong pinaghalo ng puti, kay Parker ay kulay brown, kay Josh ay kulay puti din, kay Four ay kulay pula at kay Divine ay kulay violet. Ngunit ang mas nakaagaw sa akin ng atensyon ay ang mga mahahaba nilang tenga na parang pazigzag iyun. May parang butas din sila sa kanilang leeg kaya agad akong napahawak sa aking mga tenga at leeg, ganun din pala ang akin. Napatingin naman sila sa akin kasabay ng pagbuka ng kanilang mga bibig dahil sa mangha.

"Ang ganda naman ng buntot mo Blaire" puri ni Lucy at di ko nalang sila pinansin. Nahuli ko namang umismid si Divine. Muli ko nalang itinuon ang atensyon sa karagatan.

"Sumisid na tayo!" hudyat ni Miles at sabay sabay kaming sumisid. Bumungad sa akin ang may kadilimang paligid. Mabilis ang aming paglangoy at nadadaanan ko ang mga patay na Coral reefs. Nakakalungkot tingnan ang paligid dahil pati dito ay naapektuhan din pala. May iilang isda akong nakita ngunit nakikita kong mahina at walang sigla ang mga ito.

Mula sa aking gawi ay natanaw ko sa unahan ang kumikinang na kaharian. Agad kaming nakarating doon at namangha ako sa ganda ng paligid kahit patay ang mga halamang dagat ay maganda parin itong tingnan. Agad napatingin sa amin ang mga sirena at nang nakita nila si Miles ay agad din ang mga itong nagsiyukuan. Nagpatuloy kami sa paglangoy hanggang sa nakapasok kami sa kaharian. Bawat sulok ay may nakabantay na kawal. Agad kaming nakarating sa silid trono at nakita namin ang reyna at ang hari na nakaupo sa kanilang mga trono. Nagulat ang reyna nang nakita niya ang kanyang anak. Agad itong lumangoy at sinalubong si Miles ng yakap. Sumunod naman ang hari.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon