Chapter ♥ 12

2.6K 116 38
                                    

Blaire POV

Pagpasok namin ay bumungad samin ang malawak na espasyo ng bahay.

"Omay! Ang ganda!" manghang sabi ng iilang kasamahan ko. May nakikita akong mga ferries na lumilipad na parang naghuhulog ang mga ito ng mga glitters. Madaming bulaklak ang bawak sulok. May maliit namang itablado sa gilid at doon nagtugtugan ang mga babae at lalaking duwende, ang saya nilang tingnan dahil sa mga tindig nila. Binaling ko muli ang atensyon sa paligid at makikita mong may mga lamesa at upuan sa bawat gilid samantalang kaunti lang sa gitna. May mga babaeng duwende namang tagakuha ng maiinom para sa mga iilang taong nakaupo sa lamesa. Ang kapal ng mga kolorete nila pero masasabi mong kyut parin ang mga ito.

Tiningnan ko ang mga taong nagiinuman at masasabi kong mga manglalakbay ito. Wala silang pakialam sa pagdating namin na parang mas gusto lang nilang magsaya kasama ng kasamahan nila. Tatlong grupong manglalakbay ang nakaupo sa tatlong lamesa. Lahat sila may dalang mga espada at nakasuot sila ng mga kapa.

"Ano ang maililingkod namin sa inyo mga ginoo at binibini?" agad kaming napatingin sa baba nang may narinig kaming boses at nakita namin ang isang babaeng duwende. Ayun sa pakikitungo nito ay hindi niya kilala ang nakaharap niya ngayon.

"Narito kami para mag-aliw at sanay kami inyung lingkuran" magalang sabi ni Aubrey. Ngumiti naman ito saamin bago nagsalita muli.

"Karangalan ko ang maglingkod sa inyo mga ginoo at binibini" magalang nitong sabi.

"Sumunod kayo sa akin ng mahanapan ko kayo ng mauupuan" dugtong niyang sabi at nauna na itong naglakad. Nagtinginan naman kami bago sumunod sa kanya. Huminto kami sa gitna at pinaupo niya kami sa mga silya.

"Mag-antay nalang muna kayo mga ginoo at binibini dahil akoy kukuha lamang ng inyong maiinum at pulutan" magalang niyang saad samin at tumango nalang din kami kaya tumalikod na ito. 

"Ang ganda nga dito Aubrey" manghang-mangha paring sabi ni Sophie. Medyo nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil nasa tapat ko ngayon si Four at titig na titig lang ito sa akin. Hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya? Kung makapagtigtig ito parang sinuri ang buo mong pagkatao pati buto.

Para makaiwas sa kanya ay binaling ko ang tingin sa iba at aagaw naman ang aking atensyon sa isang lalaking tahimik lang kasama sa iba niyang kasamahan habang uminom ng alak. Kahit natakpan ang mga mata niya sa sumbrero ng kapa niya ay alam kong nakatitig ito sa akin. Base sa tindig niya ay kaedad ko lang ito. Kung matitingnan mo ito ng malapitan ay alam kong gwapo ang lalaking ito. Lumabas ang medyo mataas niyang puting buhok. Nanlaki ang mga mata ko nang tumaas ang sulok ng labi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin ngunit isa iyong pagkakamali dahil nakasalubong ko ang demonyong mukha ni Four na para na itong papatay ng tao dahil sa galit kaya kinabahan naman ako.

Agad akong nakisali sa usapan nilang Aubrey para lamang makatas sa pamatay niyang titig.

"Sabi mo kunti lang ang nagagawi dito pero bakit madami?" wika naman ni Scarllet at ngiti lang ako ng ngiti habang tumatango kahit hindi naman totoo.

"Hmm noon iyun" saad ni Aubrey.

"Wuyy, in fairness ampopogi nila ah" malanding sabi ni Lucy. Pasimple ko namang tinapunan ko ng tingin si Four at nakita kong tiningnan niya ang lalaking tiningnan ko kanina kaya agad kong binawi ang aking tingin.

"Ano ba naman yan baby, andito na nga ako humanap kapa ng iba. Eh mas gwapo naman ako sa kanila" protesta naman ni Parker kay Lucy at pigil tawa naman ang iba.

"Huyy! Maghunos dila ka Parker dahil mas gwapo naman sila sayo duhh" taray sabi ni Lucy at inismiran pa niya ito.

"Ito na ang inyong inumin at pulutan mga ginoo at binibini" agad kaming napalingon sa kaliwa at nakita namin ang apat na babaeng duwende na may dalang mga baso at pulutan. Nilapag nila ito sa lamesa pagkatapos agad din kaming nagpapasalamat at umalis na ang mga ito.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon