Chapter ♥ 25

2.2K 92 39
                                    

Third person POV

Kabilugan ng buwan dumating na ang pagkakataon para isagawa ang orasyon. Naka kapang itim si Haring Ismael at nakalunod siya sa harap ng malaking altar na puno ng mga malalaking kandila. May mga maliliit ding kandila na nakapalibot sa kanya. Nasa harapan niya ang isang punyal at isang tasa. May maliit ding garapon sa gilid na may lamang pulang likido, isa itong kapangyarihang gamot na tinawag na Elixir at kaya nitong magbuhay ng patay.

Samantalang nasa gilid lamang ang kanyang nag-iisang anak na babae. Ang silid na ito ay matatawag mo ding prebado at sila lang ang kadalasang nagagawi dito. May iilan namang nakapasok dito ngunit ang mga malalapit lamang sa kanila. May mga maliliit na bintanang nakabukas sa bawat angulo ng silid ngunit nakasara ang naiisang pintuan.

Unë jam mbret Ismael

Unang bigkas ni Haring Ismael sa orasyong pan Albanian sabay pulot ng punyal.

Unë i quaj të gjitha hetimet

Bigkas niya muli at matapang niyang sinugatan ang kanyang pulsuhan. Sinalin niya ang tumutulo niyang dugo sa tasa at muli niyang nilapag ang punyal.

Errësira e errësirës

Pasigaw niyang bigkas at pinatakan niya ng isang beses ng Elixir ang tasa na may dugo.

Dëgjoni kërkesën time

Ininum niya ang sariling dugo at agad tumingala sabay pagbuka ang mga braso dahil naramdaman niyang may malakas na enerhiyang nanalaytay sa kanyang mga ugat.

Unë jam jeta ime

Sigaw niya at dahan-dahang pinulot muli ang punyal.

Rivendos jetën e Zotit tim

Mas lalo niyang binuka ang mga braso at nilakasan pa ang kanyang boses.

Unë jam mbret Ismael
Unë i quaj të gjitha hetimet

Muli niyang bigkas at umihip naman ng malakas ang hangin kahit nasa loob sila ng silid. Halos mapatay din ang mga kandilang nakapalibot.

Errësira e errësirës

Umingay ang silid na parang may sumisigaw kasabay ng pagdating ng mga kulay abong usok at tanging  maitim na usok ang naiiba. Nanggaling ang mga ito sa labas ng mga maliliit na bintana at umiikot ikot ito sa kanya. Nakaramdam naman ng takot ang kanyang anak sa gilid.

Dëgjoni kërkesën time
Unë jam jeta ime

Sigaw niya at tinaas ang kanan niyang kamay na may hawak na punyal.

Rivendos jetën e Zotit tim
Rivendos jetën e Zotit tim

Huling balik niyang bigkas at walang pag-alinlangang sinaksak ang sarili. Napaawang pa ang kanyang bibig dahil sa sakit.

"Hahahahahahahaha sa wakas hahahaha" isang nakakakilabot na halakhak ang dumadagundong sa silid.

Dahan-dahang yumuko si Haring Ismael hanggang sa tuluyan ng nawalan ng buhay ngunit nanatili parin itong nakaluhod.

"Ama!" sigaw ng dalaga. Lalapit na sana ito kay Haring Ismael ngunit agad naman itong tumalsik sa dingding at nawalan ng malay.

Mas lalong nagwala ang hangin ngunit nakapagtataka lang dahil di namamatay ang mga kandila. Marahas nagtaas ng ulo ang walang buhay na si Haring Ismael at umawang ang bibig nito sabay buka ng mga braso.

Iyak at halakhak ng iilang mga ispirto ang namamayani sa buong silid at ang maitim na usok na kanina pa umikot sa bawat sulok ay agad pumasok sa bibig ni Haring Ismael kasabay ng pagpatay ng mga kandila. Maya-maya ay kusang nasindihan ang mga nakatayong kandila.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon