Chapter 10

7.7K 425 26
                                    

BUS

. . .

Avery's POV


TEKA BRIEF NIYA BA 'TO?!

"O-oh my..." bulong ko habang pilit na tinatakpan ang aking mga hita.

Nahihiyang lumayo ako sa pinto at tumakbo pabalik ng kama. Daglian kong pinantaklob ang kumot sa baba ko at nagtakip ng kamay sa mukha.


Nakakahiya.

Narinig ko naman ang mahinang pagsara ng pinto. Ramdam kong lumapit ito sa aking pwesto at narinig ang pagbukas ng zipper sa bag niya.

Binaba nito ang bag sa kama at may hinanap sa loob nito. Nang makita ang kanyang hinahanap ay kinuha niya ito at pagtapos ay kinalabit ako sa katawan.

"Hey," tawag niya. Hindi naman ako tumingin sa kanya at nakatakip parin ang dalawang palad sa mukha.

"Hey," muli na naman niyang pagtawag. Dahan-dahan ko namang tinanggal ang mga kamay ko sa mukha at nahihiyang tumingala sa kanya.

Pinakita ni Travis sa akin ang kanyang hawak na isang bagay. Yung jersey niya sa basketball.

Tinitigan ko naman iyon ng ilang sandali bago muling ibinalik ang pagkakatakip sa mukha.


"S-shorts... hiram shorts," mahinang tugon ko.

"No more shorts, I only brought two. And I'll use it for the next two days." Sagot niya. Napakagat-labi naman ako.

"Ikaw... ikaw kasi eh! Kasalanan mo ito! Kung hindi mo sana ako tinapunan, edi sana suot ko pa rin yung isa mo!" nagsimula na akong maiyak dahil sa mga nangyayari.

"Hey, don't cry! Stop it, this is the reason why we are going to leave early in the morning, alright?" pagpapatahan nito sa akin.

Nagpunas naman ako ng mata at tumingin sa kanya.

"A-anong oras na?"

"It's 4:25," sagot nito habang nakatingin sa kanyang relo. Bumaling naman ako sa aming bintana at napansing wala pang sinag ng araw.

"Ayoko. Ikaw nalang ang pumunta tapos bumalik ka," sambit ko habang umiiling.

"No, I can't leave you here. What if the staff comes in and see you butt-naked?" may halong pananakot sa boses niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Edi magtatakip ako ng kumot. Hello? Tsaka may lock naman yung pinto," sarcastic kong ani sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya tumahimik na ako.

"I said, no. And that's final," mariin nitong saad. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan pero hindi na lamang nagsalita pa.

Kilalang-kilala ko ang lalaking 'to. Sa oras na ito'y makapag-desisyon ay hindi na ito nagdadalawang-isip pa. Pero bakit ba kasi ayaw nalang niyang magpaiwan ako at bumalik nalang siya rito?

"If you're thinking why I don't want to leave you behind, then I'll answer your question. First, I'm not your slave. You want me to go down and find the bus myself and then go back again in this hotel with over 40 floors? Not to mention, we are at the top floor."

"May elevator naman dito, baka nakakalimutan mo--"

"Shut up." He hissed.

"Second, if we both goes out and find the bus early, then we won't have to go back there anymore. And third, I hate going back and forth," dagdag pa niya. Napairap na lamang ako sa kanya at humalukipkip.

"Che, ang dami mong inarte. E kung hindi mo nalang kasi pinagpalit yung bag natin, edi sana hindi ako naghihirap ngayon. Parang ako pa ang nagmumukhang may kasalanan sa mga sinabi mo. Kasalanan ko? Kasalanan ko?" mataray kong anas sa kanya.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon