Chapter 39

4.2K 299 32
                                    

KNOW

. . .

Avery's POV


"I'm sorry, by the way. Naabala pa yata kita."

"No, okay lang. Hindi naman," tipid akong ngumiti rito at sumipsip na lamang sa in-order kong milktea.


Nasa loob kami ngayon ng isang milktea shop dahil inaya ako nitong sumama sa kanya upang makapag-libang.

Hindi naman talaga dapat ako sasama sa kanya dahil kahit na kilala ko siya at mukha itong mabait na tao ay hindi ko pa rin siya lubos na kilala. Pero laking gulat ko na lamang nang malamang ako pala ang pakay nito kaya ito pumunta ngayon sa aming unibersidad. Hindi naman daw kami lalayo at magpapalipas-oras lang.

Napakibit-balikat na lamang ako at sumunod sa kanya dahil nakakahiya naman kung hindi ko pa siya pagbibigyan. Ngayong araw lang naman.

"Ano... ano nga pala yung dahilan kung bakit gusto mo 'kong makausap?" paglalakas-loob kong tanong kay Harry. Bahagya naman itong napatingin sa akin at sumipsip muna sa kanyang in-order na milktea.

"Hmm... nothing in particular. Just wanna say hello to you, maybe?" sagot nito sabay alog sa kanyang hawak na milktea. Kumunot ang noo ko.

Huh? Bakit?

Nang mapansin naman nito ang pagkalito ko ay napangiti ito at ipinaliwanag ang sarili.

"I mean... I just wanna chit-chat with you and hang around since you know, we're... friends... right? or not?" nakangiti nitong paglilinaw. Ramdam ko ang medyo pag-aalinlangan nito sa kanyang sinabi kaya naman dagli akong tumango at muling sumipsip sa aking milktea.

"Oo naman, magkaibigan na tayo." Tumingin ako sa kanya at nakitang pinapanood nito akong sumipsip sa straw ng aking iniinumang milktea. Napakagat-labi siya.

"By the way, why aren't you holding your drink while you're sipping?" naaaliw nitong pag-iiba sa usapan. Napatingin ako sa aking pwesto at namula nang mapagtanto ang aking ginagawa.


Gusto ko lang naman gayahin yung mga nasa kdrama kong napapanood eh. Hindi ba ako mukhang kaaya-ayang tingnan gaya nila?

Nahihiyang ilalayo ko na sana ang aking ulo mula sa pagkakadantay nito sa nakapatong na milktea ko nang bigla na lamang niya akong hawakan sa likod ng ulo upang mapahinto sa paglayo. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla nitong mas idiniin pa ang aking bibig papasok sa matabang straw ng milktea ko kaya naman halos mabilaukan ako sa gulat nang maramdamang sumagad yung straw sa aking lalamunan. Napaubo ako.

Tumingala ako upang mapatingin sa reaksyon nito at nakitang nanigas ito sa kanyang kinauupuan at napalunok pa ng laway.

Nang maintindihan naman nito ang mga tinging ipinapakita ko ay dali-dali nitong tinanggal ang kanyang nakapatong na malalaking kamay sa likod ng aking ulo at nagpaumanhin.

"Sorry! I'm so sorry, I just... find it cute a while ago. Pipigilan lang sana kita but I didn't noticed na makakain mo na pala pati yung straw." Napaiwas ito ng tingin sa akin at malakas na napabuntong-hininga.

Napatango na lamang ako sa kanya at nahihiyang iniluwa ang straw sa aking bibig. Binitbit ko na rin ang inumin ko at hindi naman nakalagpas sa aking paningin ang pasimple nitong pagngiwi. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon.

"O-okay lang..." gusto pa sanang magsalita ng bibig ko ngunit wala nang lumabas pa dahil sa hindi ko na alam ang susunod pang sasabihin.

Panandaliang namayani ang katahimikan sa aming pagitan. Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa kaya naman napayuko nalang ako at tumutok sa iniinom kong milktea.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon