Chapter 14

7.5K 415 32
                                    

SIGH

. . .

Avery's POV


Hindi na ako natagalan pa sa pagligo dahil kumpleto ang mga kagamitan rito sa kanyang cr. May mga shampoo, iba't ibang sabon, conditioners at marami pang mga panlinis ng katawan.

Medyo nagstruggle pa nga ako sa pagpili ng shampoo niyang gagamitin ko dahil halos lahat ng mga shampoo niya ay hindi ako pamilyar.

Puro naman kasi mga branded na shampoo ang nakapalagay sa lalagyan niya. E ako simpleng head 'n shoulders lang, sapat na.

Nagsipilyo na rin ako gamit ang isa sa mga bago niyang bili. Sampu naman kasi ang mga toothbrush niya rito kaya hindi naman sigurong masama kung manghingi ng isa ano? Bayaran ko nalang siya ng bente pesos.

Nang matapos ay sinuot ko na ang mga damit na binigay ni Travis sa akin.

Isa itong kulay lime na oversized shirt at isang puting boxers. Bigla ko tuloy naalala ang pinahiram niya sa aking sweater at... b-brief niya. Hindi ko pa nga pala naisasauli sa kanya yun, ilang araw nang nasa cabinet ko. Ibabalik ko nalang siguro bukas pag-uwi ko.

Nang masuot ang mga damit ay chineck ko muna ang aking sarili sa salamin bago lumabas.

Kumpara sa dati ay hindi na ito kasing liit ng brief niyang binigay sa 'kin. Pero hindi rin naman ito kasing laki ng iniisip niyo. Well, ano nga bang ma-eexpect niyo sa isang boxers?

Dinampot ko ang kanina kong suot na uniform at inilagay ito sa isang supot ng plastic bago tuluyang lumabas.


Saktong pagbukas ko naman ng pinto ay may sumalubong sa aking isang aso na talaga namang nakaupo pa sa harapan ng pinto na tila hinihintay ang nasa loob nito.

Agad kong nakilala ang itsura nito dahil sa makakapal niyang gray and white na balahibo. Walang ano-anong kumaripas ako ng takbo papalapit sa kanya at niyakap.

"Toby!" tawag ko sa pangalan niya habang hinaplos ang kanyang ulo. Mukha natuwa naman ito sa narinig dahil bigla na lamang itong dumamba sa akin. Kahit malaki na ito ay parang wala siyang pakialam at patuloy lamang na nakikipaglambingan sa akin. Natawa naman ako dahil sa kakulitan nito at maluha-luhang napayakap.

Grabe, ang tagal na rin pala simula noong huli ko siyang makita. 3 months palang kasi itong siberian husky noong iwan ko siya kay Travis pero ngayon, limang taon na siya! Napakabilis namang lumipas ng panahon. Parehas na siguro kaming teenager nitong si Toby.

Umayos ako ng upo sa sahig at masayang nakipaglaro kay Toby. Hindi pa nga siguro ako titigil kung hindi pa siya tawagin ni Travis.

"Toby! Leave Avery alone!" saway ni Travis sa kanyang aso nang ito'y makalapit. Tumigil naman ito sa paglilikot at umalis nga sa tabi ko. Lihim naman akong napanguso sa pag-alis niya at dismayadong nagpagpag ng katawan.

"Pake mo ba kung maglaro kami?" mataray kong anas kay Travis nang lingunin ko ito. Bahagyang nagulat naman ito saglit sa aking inakto subalit mabilis din itong nakabalik sa tamang huwisyo at sumagot.

"The floor is dirty. If you want to play with him, go play on the carpet," saway din nito sa akin. Iniwasan ko na lamang siya ng tingin at umirap ng palihim.

Dami niyang arte e mukha pa ngang mas malinis itong lapag niya kesa sa bag ko.

Lumapit na lamang ako kungsaan nakaupo si Toby at binuhat ito ng pa-baby. Hindi naman ito umangal sa 'kin at pinabayaan lamang akong i-hele siya.

Mabuti nalang at nakilala pa niya ako. Mabuti pa ito, kahit ilang taon nang iniwan, hindi pa rin nangangalimot.

Dinala ko na lamang siya sa sofa at doon nilambing. Tinignan naman ako ni Travis na tira para bang nakakita ng baliw at napailing na lamang bago nagtungo sa kanyang kusina. Inirapan ko naman siya at muling pinagpatuloy ang pag-baby kay Toby. Pakialam ba niya? Lahat nalang.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now