Chapter 27

5K 306 27
                                    

PERMISSION

. . .

Avery's POV


"Akala ko ba tayong dalawa lang?" tanong ko kay Travis habang tamad na nilalagay sa cart ang hawak kong gatas.

Kanina pa kasi siya nananahimik sa likuran ko pero hindi naman mawala-wala ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi. Napabuntong-hininga nalang ako.

Kasalukuyan kaming namimili ngayon ng mga pagkain sa isang supermarket sa loob ng mall. Sa katunayan kasi niyan ay uuwi na talaga dapat ako at hindi na sasama pa sa kanya pero ang kaso nga lang ay naalala kong baka pagalitan lamang ako ni mama at pabalikin sa university sa oras na malaman niyang nag-ditch ako sa klase namin.

Ayoko naman talagang sumama kay Travis dahil nag-iinit pa rin ang ulo ko at hindi ko kayang maiwang kaming dalawa lang pero dahil no choice ako ngayon ay wala na akong nagawa pa kundi ang sumama nalang sa kanya.

Masaya naman talaga ako nang malamang dito niya ako dinala sa mall. Sadyang napakatahimik lang talaga ng paligid namin kaya kung ano-ano na ang mga pinagtatanong ko para lang hindi maging awkward ang atmosphere.

Gustuhin ko mang lumayo sa kanya pero hindi ko naman magawa dahil wala akong dalang kahit katiting na pera at tanging siya lamang ang pag-asa ko. Malas ko nalang talaga at wala akong kakilalang mga kamag-anak sa aming baryo.

Kung may kakilala man ako ay sa kanila nalang sana ako magpapalipas ng oras pero wala eh, kahit isang tao man lang.

"Why? Do you really want to be with me alone? I can send you to my house anytime you want. Just say the words," nakangiting alok ni Travis habang nakatuon lamang ang tingin sa mga nakalagay sa cart na pinagkukuha ko. Siya kasi ang nagtutulak ng cart habang ako naman ay panay kuha lamang ng mga chichirya at biscuits.

Bigla niya kasing naisipang ipag-grocery nalang ako ng kahit ano at dahil ako naman itong si mabait ay sinulit ko lang naman ang kanyang alok sa 'kin.

Huwag niyo akong sisihin, ngayon lang naman ito. Turn ko na kasi ngayong week sa bahay at sarili kong pera ang gagamiting pambili ng mga pagkain kaya tinake ko lang yung chance na 'to para mabawasan yung mga bibilhin para bukas. Wala namang makakaalam nito bukod sa aming dalawa hehe.

"Hindi, tinatanong lang naman. Gusto na agad?" taas-kilay kong tanong sa kanya. Nagkibit-balikat naman ito sa akin at pinabayaan na lamang ulit ako sa pagkuha ng mga pagkain sa bawat stall.

Nang ma-satisfy na sa aking mga kinuha ay nagtungo na kami sa cashier upang mabayaran na ang lahat ng nasa cart.

Habang pinapanood ang babaeng mag-scan ng mga item sa cash register ay medyo nakaramdam ako ng hiya nang mapatingin sa patuloy na pagtaas ng mga presyo. Mukhang napasarap yata ang pagkuha ko ng mga pagkain kanina at hindi ko na nagawang kuwentahin pa ang mga presyo.

Jusko, nasa halagang 4K ba namang mga chichirya? E yung mga grocery nga naming binibili every week, hindi pa umaabot ng mahigit 2K man lang. Hindi sa pagmamayabang pero tinuruan kasi kami ni mama kung paano mag-budget ng mga pinamili kaya napag-kakasya naming mag-grocery ng hindi aabot sa 2K pesos pataas.

Tapos heto ako, bumibili ng mga chichiryang nasa halagang 4K pesos at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos sa pags-scan ni ate. Nakaramdam tuloy ako ng panlulumo sa nakita. Parang nagwaldas na kami ng perang  pwede ng ipambili para sa dalawang linggo naming pamilya. Hindi ko pa naman pera ang gagamitin naming pambayad. Nakakahiya.

Akmang ilalayo ko na sana sa cashier yung cart namin pero bigla akong pigilan ni Travis. Napatingin naman ako sa kanya at pinanlakihan siya ng mga mata bago nagsalita.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now