Chapter 42

4.2K 273 29
  • इन्हें समर्पित: rottenbijj
                                    

EXCHANGE

. . .

Avery's POV


"This is all your d*mn fault."

"Anong ako? E kung umusog ka nalang sana kanina, edi sana hindi na tayo hahantong pa sa ganito!"

"So it's my fault now? If only you're not a d*ck and just sat beside that witch, then Avery and I would still be sitting next to each othe--"

"Hindi ba talaga kayo titigil?" pagsabat ko sa kanilang mga angilan. Napatigil naman ang dalawang lalaki dahil sa sinabi ko at nagbigayan nalang ulit ng masasamang tingin sa isa't isa. Napatakip na lamang ako ng kamay sa aking mukha.

Kanina pa kasi silang dada nang dada kaya naman pinatigil ko na. Noong una ay akala ko naman kasi, titigil din sina Travis at Andrei sa pag-aaway kaya hinintay ko na lamang ang dalawa subalit nakalipas na ang ilang mga oras pero hindi pa rin tumitigil ang mga ito at patuloy lamang sa pagpaparinigan ng bawat isa.

Kaya naman bago pa magkaroon ng panibagong away sa kanilang dalawa ay ako na mismo ang tumayo at nagkusang umupo sa tabi ni April. Parehas namang tumutol ang mga ugok sa ginawa ko pero inismiran ko lamang sila.


Ang dami kasing mga arte. Sila nalang magsama sa upuan.

Dahil hindi rin naman nila ako mapapayag na umupo sa kanilang mga tabi ay wala na silang nagawa kundi ang tumabi sa isa't isa. Labag man sa kanilang mga kalooban pero wala naman silang pagpipilian kaya sumunod na lamang ang dalawa sa utos ko.

Samantalang ito namang katabi ko ngayon ay hindi mapawi ang ngiti sa mga labi habang pasubo-subo pa sa kanyang kinakain at paminsan-minsa'y lumilingkis sa braso ko. Inaasar pa yata ang dalawang lalaki sa aming harapan. Napailing na lamang ako.

Ang dami nilang kalokohan.

Hindi na nagsagutan pa ang dalawa matapos ko silang sawayin at tahimik na kinain na lamang ang mga nakapatong sa aming lamesa. Pero itong si Travis ay panaka-nakang kumukuha lang ng pagkain sa tray ko dahil wala itong biniling pagkain. Pinabayaan ko nalang at baka malipasan pa ito ng gutom. Bakit ba kasi hindi nalang siya mag-order ng pagkain?

Habang kumakain ay kami na lamang ni April ang nagkwentuhan ng mga bagay-bagay marahil sa pananahimik ng dalawa. Maski na rin ang tungkol doon sa app nitong tinutukoy ay muli kong naikwento sa kanya kaya naman mabilis nitong hiniram sa akin ang cellphone ko.

Binigay ko naman iyon kay April at hinayaan itong halungkatin ang loob ng tiktok ko. May gagawin lang daw siya saglit.

Kalaunan ay ibinalik naman na ulit nito sa akin ang phone ko at pinatay na ang screen. Akmang ibabalik ko palang sana iyon sa aking bulsa pero bigla na lamang iyon nag-vibrate kaya naman napatigil ako.

Muli kong binuksan ang screen ng aking phone at doon ay may nakitang isang new text message galing kay Harry.

Kunot-noo ko namang inalala kung paano nga pala ulit no'n nakuha ang number ko hanggang sa bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang paglabas namin noong isang araw kaya napatango ako.

Nagpalitan nga pala kami ng mga contact numbers.

Saglit kong in-open ang aking cellphone at binuksan ang chat box nito. Nasa aktong babasahin ko na sana ang nakasulat sa text nito nang bigla na lamang may umagaw ng hawak kong phone at tinignan ang pangalan nung sender.

"Travis! Akin na 'yan!" naiinis kong saway sa kanya habang pilit na inaabot sa kamay nito ang phone ko pero dahil magkabilaan kami ng table ay hindi ko iyon maabot kaya malaya nitong nabasa ang mga nakasulat sa loob ng aking screen.

How To Tame A Demonजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें