Chapter 12

8.1K 422 11
                                    

CONCLUSION

. . .

Avery's POV


"U-uhmm..." nauutal kong tugon habang mabilis na binawi sa kanya ang aking kamay. Bahagyang natauhan din naman ito sa kanyang ginawa at mabilis na napapunas ng bibig. Napansin niya sigurong namamawis ang kanyang bibig dahil sa pagtakbo.

Subalit tinigil din naman niya iyon nang biglang mangirot ang kanyang labi, dahilan para mapadaing siya ng malakas.

Hahawakan ko na sana ulit ang kanyang ibabang labi dahil sa awa ngunit napatigil nang maalala ang nangyari kanina. Nahihiyang binaba ko ang aking kamay at yumuko na lamang ng tingin.

Akmang aalis na sana ako sa aking pwesto sapagkat mabilis niya akong pinigilan at humawak sa aking braso. Napatingin naman ako sa kanya at nakita itong malalim na nag-iisip.


"Wait for me," sambit nito sa mababang wika.

Napagitla naman ako sa narinig at na-estatwa sa aking pwesto. Nang mapansin niya iyon ay ginawa niya itong hudyat upang hilain ako papasok.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakagalaw nung mga oras na iyon at pinabayaan lang siyang hilain ako.


I don't know... it just felt very nostalgic to me.

The way he always pulls me whenever there are things that grab his attention but he can't just leave me behind...


Hmm... memories.

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at nagpatianod sa kanya. Hayaan mo na nga.

Dinala ako nito sa dulong parte ng silid kungsaan naroon ang kanyang lalagyanan ng mga damit. Parang manika niya akong pinahinto sa tapat ng kanyang locker at tumalikod na upang maghanap ng maisusuot. Nakaharap ako ngayon sa likod niya.

Dahan-dahan nitong tinanggal ang pagkaka-butones ng kanyang polo at swabe itong inalis mula sa pagkakasuot. Dahil sa ginawa niyang iyon ay kitang-kita kong nag-flex ang kanyang mga muscles sa likuran at umarko na tila ba parang inaakit ako.




... or mas rumurupok lang siguro ako?

Nagsimula na itong maghanap ng damit habang nakahubad ang pang-itaas. Bawat pagkilos nito ay mas lumalabas ang kurba ng kanyang likod kaya naman hindi na nakakagulat pang makaramdam ako ng inggit sa kanya kahit saglit.

Mabuti pa siya, kahit ang bata-bata palang ay maayos na ang pangangatawan. Ako? Parang isang tulak palang ng tao, dapa na agad ako.

Tinry ko namang i-achieve ang ganyang katawan dati pero sadyang mahina lang talaga itong katawan ko. Palibhasa ay nakatuon lamang ako sa pag-aaral simula pagkabata.

Napahinto naman ako sa pagmumuni nang makahanap na ito ng panibagong polo na maisusuot.

Mabilis nitong isinara ang pinto ng locker niya at walang pag-aalinlangang lumingon sa akin.

Kasimbilis naman ng cheetah akong napaiwas ng tingin at tumalikod. Iiwasan ko sanang makita ang harapan niya subalit parang hindi na yata mangyayari pa iyon dahil pagtalikod ko ay hindi ko napansing may malaki palang salamin na nakadikit sa harap ng locker sa likuran ko. Bigla tuloy akong napatingin sa katawan ni Travis.

Napalunok naman ako habang nakatingin sa matipuno nitong katawan. Mula sa makapal nitong leeg, pababa sa kanyang matikas na dibdib, hanggang sa kanyang six-pack na abs.


At sa malaking umbok nito sa kanyang pants.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang bakat na bakat ang umbok nito sa kanyang pants kaya agad akong napataas ng tingin.

How To Tame A DemonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora