Chapter 18 (PT. 3)

5.6K 339 13
                                    

FLASHBACK

. . .

FLASHBACK

[ FOUR YEARS AGO ]

~ ~ ~

Travis' POV


It was already night time nang makapasok ako sa ospital kungsaan naka-admit ngayon si Avery. Hindi na ako nakapagpalit pa ng damit kanina dahil sa pagmamadaling tumungo agad ng ospital.

Nakasalubong ko pa sila mom nang lumabas ako ng kwarto at nag-aalalang tiningnan nila ako kung may nangyari bang masama ngunit hindi na ako nakapagpaalam pa ng maayos sa kanila at patakbong lumabas ng villa.

Nagsisi ako noong una dahil dapat ay gumamit na lamang ako ng kotse subalit ipinag-paliban ko na lamang dahil ang importante ay makarating ako ngayon sa ospital.

Hingal akong nagtungo sa counter at tinanong ang babaeng nurse kung nasaan ang kwarto ni Avery.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente, sir?" tanong sa akin ng nurse.

"K-kaibigan." Umayos ako ng tayo at saglit na pinakalma muna ang sarili.

"Room 314 po, sir," basa ng nurse habang nakatingin sa records ng mga pasyente sa logbook. Pagkarinig ay kumilos na agad ako sa aking pwesto at tinungo ang silid na sinambit ng nurse kanina.

Gumamit ako ng elevator dahil sa pagod at pagpasok ay pinindot ang third floor button. Habang paakyat ay panandaliang nagkaroon ng tahimikan sa bawat sulok ng asensor. Mag-isa lamang ako sa loob kaya naman tanging paghinga ko lamang ang maririnig sa loob ng elevator.

Nang dumako ang paningin ko sa aking repleksyon ay saka ko lamang nakita kung gaano kagulo ang aking itsura.

Inayos ko ang pagkakatupi ng lukot-lukot kong polo at pinagpagan ang aking pantalon. Inayos ko ang aking buhok at nagpunas ng pawis sa mukha. Hindi man presentable sa paningin ang aking porma pero kahit hindi nalang masakit sa paningin ang aking kaayusan.


Nang tumigil na sa ikatlong palapag ang elevator ay tahimik akong nagtungo papunta sa silid ni Avery. Pagkalapit ay tumingala ako sa pinto nito at muling binasa ang mga numero.

314.

Ibinalik ko ang aking tingin sa tapat at humingang malalim muna bago kumatok ng tatlong beses. Naghintay ako ng ilang segundo bago nila buksan ang pinto. Pagbukas ay bumungad sa akin ang nagmumugtong mga mata ni tita Mandy. Ang ina ni Avery.

Nang makita niya akong nakatayo sa tapat ay nanlaki ang kanyang mga mata pero maya-maya'y napalitan din agad iyon ng pag-iyak at yumakap sa 'kin. Inalo ko naman si tita at hindi nagtagal ay pinapasok na niya ako.

Pagpasok ay una kong nakita ang kuya ni Avery. Nakaupo lamang ito ng tuwid sa pang-isahang sofa at malalim na nag-iisip. Nang magtama naman ang aming mga mata ay napatigil ito sa pagmumuni at umayos ng upo. Matalim ako nitong tinitigan at dahil hindi ko kayang makipag-balikan ng tingin sa kanya ay umiwas na lamang ako ng tingin.


Subalit sa paglipat naman ng aking tingin ay sandali akong natigilan nang 'di sinasadyang mapadako ako sa aking kanang bahagi ng kwarto. Kungsaan may isang hospital bed.

Kungsaan nakahiga roon ang aking kaibigan.

Habang pinapanood itong matulog ay tila sumisikip ng husto ang aking dibdib dahil sa nakikita. Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang kinahihigaan hanggang sa tuluyan akong makalapit sa lalaking nagpagulo ng sistema ko.

Mahimbing itong natutulog habang may nakakabit na ilang mga dextrose sa katawan niya. Nakasuot ito ngayon ng isang hospital gown at nakabalot ang kanang kamay ng isang malaking benda.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon