Chapter 25

6K 336 28
                                    

HARRY

. . .

Avery's POV


"Hmmm..." ungol ko mula sa pagkatulog. Dahan-dahan akong nag-inat ng katawan nang maalimpungatan dahil sa sinag ng araw. Marahil antok pa ay hindi muna ako tumayo at saglit na pinakiramdaman muna ang paligid.

Tahimik at mainit. Iyon ang kasalukuyan kong nararamdaman. Tahamik ang paligid at mainit ang hinihigaan ko... teka, mainit?

Antok na antok man ay sinubukan ko pa ring idilat ang aking mga mata at doon ay nagulantang ako sa nakita.

"WAAAAAAAHHH!" napabalikwas ako sa ng bangon saktong kakadilat ko pa lamang ng mga mata. Sinundan naman ako ng mga tingin ni Travis na ngayon ay nakadilat at nakangiti rin habang pinagmamasdan ako. Nag-inat muna ito bago tuluyang umupo gaya ko.

Tumayo ako.

"B-bakit ako nakakandong sayo? Sinong nagsabi sayong pwede mo akong kandungin kapag natutulog?! Alam mo nakakasira ka talaga ng araw!" galit kong anas habang dinuduro pa ang kanyang mukha. Hindi naman ako nito pinansin at nakatangang ngumingiti lamang sakin.

"How can you say that I ruined your day? You slept so well all night because of me. Ginawa mo pa ngang pampainit ang katawan ko," nakangisi niyang ani. Namula naman ako sa kanyang sinabi at muling naalala ang pwesto namin.

Prenteng nakahiga lamang ito sa kama habang nakataas pa ang dalawang kamay na tila ginagawang unan habang tahimik akong pinapanood na matulog. Samantalang ako naman ay mahimbing na natutulog sa kanyang katawan at may paungol-ungol pang nalalaman dahil sa sarap ng tulog. Napaisip tuloy ako sa mga pinaggagawa ko tuwing natutulog.

Ang likot-likot ko pa naman sa ibabaw nito at paminsan-minsan ay niyayakap siya ng mahigpit. Naluluha akong napangiti.


Wala na talagang magmamahal pa sa 'kin.

Muling napabaling ang tingin ko sa kanya nang muli itong nagsalita.

"You even rubbed what you had on me. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi. So you should've thanked me because at least, mas iinisip ko ang kapakanan mong makatulog ng matiwasay kaysa sa akin," dagdag pa nito at nag-aktong malungkot habang nakatingin sa... sa a-ano niya.

Pero hindi naman ako nagpauto sa mga sinabi nito at sinimangutan siya ng tingin.

"E bakit? Sino bang nagsabing matulog ako sa taas mo?" mataray kong usal.

"You," tipid nitong sagot.

"Ha? Anong ako? Wala kaya akong sinabi sayo!"

"Exactly why I laid you on top of me. Tinanong kita kung gusto mo bang maulit yung kahapon. Hindi ka naman sumagot. And as far as I can remember, silence means yes," casual nitong pagdadahilan. Sandali naman akong natigilan at nang mapagtanto ang kanyang tinutukoy ay bigla ko siyang sinipa sa paa.

"Paano ako makakasagot sayo e lumilipad pa yung ulo ko nung time na yun?" yung tinutukoy niya kasi ay noong oras na tinanong niya ako kagabi habang kasama si Andrei sa labas. Paano ba naman ako makakasagot sa kanya e bigla na lamang niyang ibinalandra sa ibang tao na natulog kaming magkatabi at magkasama rin noong isang gabi?

"Well, it's not my problem anymore if you're absent-minded that time. Utak ko ba 'yan?" sarkastiko nitong sambit. Napaawang naman ang bibig ko sa kanya.

Gawin kong isaw yung utak niya eh.

Napairap na lamang ako sa pagiging pilosopo niya. Ang hirap niyang sabayan, promise.

Hindi na lamang ako sumagot pa at pumasok na ng banyo upang gawin ang mga morning routines ko. Bahala siya sa buhay niya, bakit ba hindi nalang siya umuwi? Tutal wala naman siyang matinong nagagawa rito.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now