Chapter 06

9.6K 461 32
                                    

POOL

. . .

Avery's POV


Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata bago chineck ang bintana kung nasaan na kami. Nang mapansing nakastop-by kami ay marahan kong inikot ang aking paningin at napansing wala na palang tao sa loob ng bus.

Muli akong sumilip sa katabi kong bintana at inilibot ang tingin. Dahil nasa kaliwang parte kami ng bus umupo ay laking pasasalamat ko na lamang at dito kami pumuwesto dahil sa pinaka-dulong sulok kasi nagpark ang bus namin.

Nang ma-examine ang buong paligid ay napagtanto kong nasa isa kaming gasolinahan. May nakita rin akong ibang mga students na pakalat-kalat sa labas at may mga dalang take-out na pagkain. Siguro ay nagkainan muna ang lahat. Hindi manlang ako ginising ng mga kasama ko.

Sinubukan ko na lamang umayos ng upo pero bago pa man ako magtagumpay ay mabilis din akong napabalik sa pagkakasandal nang makaramdam ako ng matinding hilo.

Tsk. This stupid sickness!

Kahit na sobrang hilo ako ay pinilit ko pa ring buksan ang zipper ng aking backpack at naghanap ng plastic. Ilang beses ko pang hinalungkat ang bag ko ngunit nabanas na lamang nang walang makitang plastic kahit isa.

Of all the things that I've forgotten to bring, bakit plastic pa?!

Napasabunot nalang tuloy ako sa sobrang inis. "Kabwisit na hilo 'to!"

Mariin kong inuntog ang aking ulo sa bintana at ipinilig ito ng ilang beses, nagbabaka-sakaling mawala ng kahit kapiranggot ang hilo ko pero wrong move lang pala.


In the first place, bakit ko nga ba inuntog ang ulo ko? Napakasira ko talaga.

Maybe because of this motion sickness that I can't think properly anymore. Kagaya ngayon, kahit alam ko nang mas mahihilo ako sa kakauntog, patuloy ko pa ring inuuntog ang sarili ko.


"Ugh!"

*bog!*

*bog!*

*bog!*

*bo--

Nagulat na lamang ako nang imbis na maramdaman ko ang tigas ng bintana ay napansin ko na lamang na hindi na bintana ang tinamaan ng ulo ko kundi isang matikas at mainit na bagay.

Natigilan naman ako sa pag-untog at pinakiramdaman ang bagay kong sinasandalan. Nang magsink-in ang lahat sa akin ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napasinghap.


Is this...

Mas nagulat pa ako nang bigla nalang may tumapat na isang kamay sa harapan ko at may hawak-hawak na candy.

"Eat it," malalim nitong wika sa aking likod.

Natahimik naman ako saglit at sandaling napatitig lamang sa hawak niyang candy.

"A-ayoko... baka may lason."

Gusto kong pagsasampalin ng malakas ang mga pisngi ko matapos bigkasin ang mga katagang 'yon. Seriously? Lason?

"Tsk, just eat it," may halong inis na sa boses nito. Nagpintig naman ang mga tenga ko sa narinig at hindi na napigilan mag-init ng ulo.


Wow naman, siya pa talaga ang naiinis?

"E sa ayoko nga sabi. Pakialam mo ba kung ayaw ko?" medyo tumaas ang tono ng boses ko.

Naiinis namang ibinalik nito ang kanyang kamay na may hawak at tila saglit na may ginawa sa likuran ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagsasalita.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now