Chapter 52

3.1K 228 18
                                    

CONFUSED

. . .

Avery's POV


Bago magsimula ang pang-unang klase ay tumungo sa aming kinauupuan si Emma. Akmang tatayo naman sana ako upang lumipat ng upuan ngunit pinigilan na naman ako ni Travis sa pagtayo.

"Umm... excuse me?" ang unang pamungad sa akin ni Emma nang ito'y makarating sa aming pwesto. Sasagutin ko palang sana ito nang bigla akong inunahan ni Travis sa pagsagot.

"It's his seat now. Mind if you leave us alone?" ang wika nito habang mariing nakatingin kay Emma. Bahagyang nanigas naman ito dahil sa biglaang panlalamig na pakikitungo nito sa kanya. Pati rin ako ay bahagyang naguluhan dahil sa biglaang inasta ni Travis.

"A-ahh... p-pero kasi--"

"Are you deaf?" muling pagsabat na naman ni Travis na tuluyang ikinahinto ni Emma. Nahihiyang yumuko ito at tila nakaramdam ng pagkapahiya sa kanyang ginawa. Nanatili lamang itong nakayuko dahil may ilan na rin kasing mga kaklase naming napapatingin sa aming direksyon kaya naman siguradong nahiya ito sa inakto niya.

Napakagat ako ng labi. Kahit na hindi ko magustuhan ang babaeng ito ay responsibilidad ko pa rin bilang president na ipagpalagay ang bawat estudyante, in order for them to feel rest assured while inside the campus.

Lumingon ako kay Emma at sandaling ngumiti.

"It's okay, Galemma. You don't need to feel embarrassed, normal lang yan kapag tinotopak si Travis," pagpapagaan ko sa kanyang loob. Ngunit sa halip na gumaan ang loob nito ay parang mas nag-init lang yata ang kanyang ulo at kunot-noong napatingin sa akin. Tiningnan ko naman ito ng inosente at mas pinalawak pa ang aking ngiti.

Ilang saglit pa'y hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang palihim nitong pag-irap sa akin. Napailing ako.




Confirmed. May hindi yata nagkakagusto sa akin.

But who cares? The feeling is mutual. Ayaw ko rin naman sa kanya. Mabuti nalang at naunahan ko itong banatan. Hindi naman kasi porket sinabi kong kailangan ko siyang pagaanin ng loob, ay kakalimutan ko nalang na ayaw ko pa rin dito. Sinamahan ko lang naman ng konting twist para hindi niya mahalata. At kasalanan na niya kung maapektuhan man siya sa sinabi ko.


In the first place, bagay naman ah? Galemma. Anak ni Zuma. Parehas pa silang ahas, hehe.

"It's Emma," medyo may pagkairita nitong giit. Yumuko naman ako upang hindi nito mapansin ang pagngisi ko.

"Sorry, akala ko kasi Galemma." Hindi na lamang ito sumagot pa at muling nilingon si Travis.

"U-uhm... sorry, pero may ibibigay nga pala ako sayo, T-Travis," nahihiyang pagtawag nito sa katabi ko. Saglit namang binalingan ng tingin ni Travis ito bago muling inilihis ang tingin.

Ibibigay?

Kunot-noong pinagmasdan ko itong bumalik sa kanilang upuan ni Andrei at may hinalungkat na kung ano sa loob ng kanyang bag. Habang hinihintay na makuha ang kanyang hinahanap ay sandaling nabaling naman ang tingin ko sa pwesto ni Andrei.

Nahuli ko itong nakatingin ngayon sa akin na tila naguguluhan sa kanyang nakikita.

Dahil sa nakita kong reaksyon ay agad ko namang naintindihan ang pinapahiwatig nito kaya ngumiti na lamang ako ng mababaw sa kanya.


Malamang sa malamang ay naguguluhan ito ngayon kung bakit nakaupo ako ngayon sa tabi ni Travis.

Ibinaling ko naman ang aking tingin kay April na ngayon ay naguguluhan din sa kasalukuyang nakikita. Alam kong parehas lamang ang umiiral sa kanilang mga isip kaya naman bumigkas na lamang ako sa hangin at sinabing, 'mamaya.'

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now