Chapter 43

4K 251 27
                                    

FAST

. . .

Avery's POV


"Exchange student?" pag-uulit ko sa sinabi ng dean. Tumango naman ito.

"Yes, exchange student."

"During this semester? Sure po kayo? May lilipat habang nasa kalagitnaan ng sem?" nagtatakang tanong ko. Bakit naman sila nag-aaccept pa ng mga exchange student kung patapos na nga yung 3rd quarter? Mags-second semester na nga eh.

"I know, but the president agreed on letting the student exchange dahil para rin naman ito sa university natin, to know if our education system is still up to date. And also to know what the other universities are in for this year," pagpapaliwanag nito. Tumango na lamang ako sa kanya at sandaling napaisip.


Exchange student huh?

"Sige po," medyo alanganin ko pang sambit pero hindi na lamang isina-isip.

Nang wala na itong sumunod pang sasabihin ay tumayo na ako.

"Uhm... may iba pa po ba kayong ibibilin sa 'kin?" pagsira ko sa katahimikan at tumayo na. Mabilis naman itong tumalima sa akin at umiling.

"Wala na, Mr. Chavez. Thank you again for considering my favor to you."

Tumango na lamang ako pagkatapos nitong sumagot at nagsimula nang maglakad palabas sapagkat bago ko tuluyang isinara ang pinto ng kanyang opisina ay muli akong napahinto nang bigla akong may naalala. Napalingon ako sa pwesto niya.

"Dean?" pagtawag ko rito. Napabaling naman ang tingin nito sa akin at nagtaas ng dalawang kilay. "Yes?"

"Sino po pala yung student na sasamahan ko?"




"Emma. Her name's Emma Castro."


***


"Class dismissed," anunsyo ng professor namin kasabay ng saktong pag-ring ng bell. Nagsi-tayuan naman na ang mga kaklase ko at ang iba ay nag-unahang lumabas ng aming classroom.

Niligpit ko muna ang aking mga gamit bago tuluyang lumisan ng silid. Habang naglalakad sa gitna ng hallway ay napatingin ako sa orasan ng aking cellphone upang malaman kung anong oras na.

Hindi naman kasi pwedeng hindi ako sumama sa aming lakad ni Harry dahil masyado nang makapal ang mukha ko kung hindi ko pa siya sasamahan sa kabila ng lahat ng mga pinaggagawa ni Travis sa kanya.

Utang na loob ko na lamang ito kay Harry at hindi maaaring hindi ko siya pagbigyan.

Nang makalabas sa aming campus ay agad kong tinext si Harry kung nasaan na ito ngayon. Pagka-send ko naman ng text message sa kanya ay nag-reply na rin agad ito maya-maya lang sa akin.


'From: Harry

I'm already here at the shop. Btw, may naghihintay sayo rito ngayon... should we let him come along?'


Pagkabasa ko sa kanyang reply ay mabilis akong napakunot ng noo. May naghihintay sa 'kin?


'To: Harry

Sino?'

+ + +

'From: Harry

Travis.'


Bigla akong napahinto sa paglalakad matapos basahin ang ni-reply nitong text sa akin.


Si Travis? Bakit nando'n siya?

Dahil sa nalamang balita ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumunta na sa milktea shop na aming pagkikitaan ngayon ni Harry malapit sa unibersidad. Hindi naman ako natagalan bago tuluyang makarating sa shop na iyon dahil ilang lakad lamang ito mula sa aming eskwelahan.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon