Prologue

22.8K 741 49
                                    

"T-Travis... n-nasasaktan ako--"

"Shut up!" halos pumutok ang mga ugat nito sa kanyang leeg habang bumubulyaw sa akin.

Nagsimula nang mangilid ang aking mga luha sa mata at tahimik na nagpatianod sa kanyang paghila. Galit na galit itong nagmartsa sa daanan at mabilis na naglakad patungo sa kanyang sasakyan.

Nang makalapit ay hinila kaagad ako nito papasok ng sasakyan at halos mabingi ako sa pagsara ng pintuan. Sinubukan ko pa itong buksan muli subalit nanlumo nang mapagtantong naka-child lock ang pintuan nitong passenger's seat.

Dahan-dahang tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan at napahinga ng malalim.


Hindi ko naman sinasadya yung nangyari eh.

Nang makapasok siya sa driver's seat ay padabog itong nagsara ng pinto at tumahimik.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa loob ng kotse subalit hindi rin nagtagal bago ito mabasag nang magsalita siya.


"What the f*ck was that?" malalim nitong tugon. Nanginginig naman akong tumingin sa kanya upang magkapag paliwanag at pinigilan ang paghikbi habang nagsasalita.

"H-hindi ko n-naman kasi alam--"


"T*NG INANG YAN!" galit na galit nitong sigaw at napasuntok ng malakas sa manibela. Tuluyan na akong nilamon ng takot at malakas na humagulgol.


"HINDI MO ALAM, HUH?! HINDI MO ALAM NA HINAHALIKAN KA NA PALA NIYA?!"

"H-hindi ko naman kasi alam na h-hahalikan ako ni kuya eh! M-malay ko bang g-gagawin niya sa akin yun!" naluluhang ani ko kasabay ng aking paghikbi.

Bahagyang natigilan naman ito sa kanyang pagwawala nang marinig akong umiyak. Napatingin ito sa aking gawi at nang makita ako ay agad na bumalik ang pagiging maamo nitong ekspresyon at nawala na ang kaninang pag-aasal demonyo nito.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin at sinubukang hawakan ang aking mga kamay.

"A-Aver--" natigilan ito sa paggalaw nang mapaatras ako ng kaunti sa kanya.

Bahagyang nasaktan naman ito dahil sa aking inakto pero hindi ko na iyon pinansin at mariing pumikit.

Kaba at takot. Ito ang aking kasalukuyang nararamdaman. Natatakot dahil sa maaari nitong gawin sa akin sa oras na lumabas ang nakakagimbal nitong pag-uugali. Natatakot na baka muli kong makita ang dati nitong nakakatakot na pag-uugaling tila isang leon na nakawala sa kulungan at walang pakialam kung makasakit ito ng ibang tao.






Natatakot ako na baka muli ko pang maranasan ang bagsik ng kanyang natutulog na ugaling demonyo.

Nanginginig akong napatakip ng kamay sa bibig at sumiksik sa dulo ng upuan. Nakita ko pa siyang yumuko at tila nagisip-isip ng malalim hanggang sa 'di kalaunan ay muli akong sinubukang hawakan.

"Avery..." mahinahon na nitong sambit at humawak sa aking kanang kamay. Nang maramdaman niya ang aking panginginig ay mas lalong humigpit ang hawak niya rito at lumapit.

"A-aahh--" kinakabahang utal ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ngunit nang magdikit na ang aming katawan ay napagtanto ko na lamang na yakap-yakap na pala nito ako habang hinahaplos ang aking likod ng marahan.

"Shhh... I'm sorry. Tahan na, baby ko." Humalik ito sa taas ng aking ulit at muling yumakap. "Hinding-hindi na mauulit ito, promise. Hindi ko na po kayo masasaktan pa."

Dahil sa kalakihan ng kanyang katawan ay isinandal niya ang aking ulo sa kanyang dibdib at niyakap ako ng mahigpit. Unti-unti namang napanatag ang aking loob dahil batid ko'y bumalik na siya sa dati marahil sa pagtawag niya sa akin ng 'baby.'

Tahimik naman akong sumubsob sa kanya at nang masigurong okay na talaga siya ay tumigil na ako sa paghikbi at niyakap din siya ng mahigpit.

"Hindi ko lang talaga mapigilang magalit nang makitang halikan ka ng g*gong 'yon," bakas ang sinseridad sa kanyang boses habang sinasabi iyon.

Maya-maya'y nagkalas na ang aming pagyayakapan at pinunasan na niya ang aking mga luha gamit ang kanyang hinlalaki.

"I'm very sorry talaga, baby ko. Hindi na mauulit pa," nag-aalala niyang sambit. Tumango naman ako sa kanya at marahang ngumiti.

"O-okay lang... sorry din. Kasalanan ko rin naman dahil pinabayaan ko siyang hindi ako tantanan," medyo nagcrack pa ang boses ko pero hindi ko na lamang iyon binigyang pansin.

"It is my fault too. For not always keeping an eye to you. Parehas lang tayo kaya 'wag ka nang magsorry." malumanay niyang sabi.

"Just... just promise me one thing," he whispered, "Promise me that you will never talk to that asshole, ever again."

Tumango naman ako ng marahan sa kanya at muling yumakap.

"Pangako."

















"Good boy." He smiled.

. . .

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now