Chapter 29

4.4K 311 40
                                    

POPCORN

. . .

Avery's POV


"We're here," anunsyo niya.

Dahan-dahan naman akong sumilip sa bintana ng kanyang kotse at napalunok ng laway.


It's been five long years since the last day I've stepped inside the teritorry of the Dixon's mansion. Kahit nasa labas palang kami ng kanilang bahay ay dumadagundong na ang aking kaba mula ulo hanggang talampakan.

Sobrang tagal na pala mula noong huli akong makapunta sa kanilang teritoryo. It's a nostalgic feeling.


Parang noong huli lang, noong araw na muntikan pa akong umamin sa kanya.

Nanginginig akong lumabas ng kanyang kotse. Ramdam ko ang pangangatog ng aking mga tuhod pero nilakasan ko pa rin ang aking loob na makatayo ng maayos.

Lumabas na rin ng kotse si Travis at iniwan iyong nakaparke sa gitna ng daan. Parte pa rin naman kasi iyon ng kanilang pamamahay at nasa loob na kami ng gate nila kaya naman ayos lang na iparada iyon sa kahit saan dahil wala namang maiistorbo.

Lumapit si Travis sa aking pwesto at inalalayan akong maglakad papasok ng bahay. Nabatid niya sigurong hindi ako makakapaglakad ng maayos dahil pinanghihinaan pa ako ng loob kaya inalalayan na ako nito sa paglalakad.

Pero bago pa man kami makatungtong sa loob ay sandaling huminto muna kami sa paglalakad.

"It's fine if we won't proceed to get inside, naiintindihan naman kita kaya okay lang kung bumalik nalang tayo--"

"No," mabilis kong pagtutol sa kanya. "Pumasok na tayo, kaya ko naman... m-medyo nakaramdam lang ng kaunting takot," nakangiti kong tugon sa kanya. Tinignan naman ako nito ng taimtim hanggang sa 'di kalaunan ay sumang-ayon nalang sa aking desisyon.

"Alright, just tell me kung hindi mo na nakakayanan at ilalabas din kaagad kita. Don't worry, I won't leave you inside," paghuhumimok niya. Tumango naman ako rito at nagpatuloy na sa paglalakad.

We can't leave already. Sayang lang din ang pinunta namin kung hindi naman pala kami papasok sa loob ng mansyon. Huminga ako ng malalim.

Para kay tita nalang.

I sighed. Hindi naman kasi sa masasama silang mga tao.

It's not them who I'm afraid of, it is the place itself that I am afraid of.

Siguro dahil sa trauma? I don't know. Or maybe dahil sa vibe ng mansion nila? That must be it. Masyado kasi akong nasanay sa mga normal na gusali lang at yung walang mga 40 maids na nag-iikot sa loob ng bahay.


Idagdag mo pang may mga armadong tao na nagbabantay sa bawat sulok ng mga daan sa kanilang bahay.

Siguro naman ay alam niyo na ngayon kung bakit ako natatakot sa bahay nila diba? Jusko, hindi ko nga alam kung matatawag pa ba itong bahay. Nadaig pa ang security ng isang shopping mall.


Pagpasok ay bumalot kaagad sa aking katawan ang dinadalang maginaw na vibe ng atmosphere. Malamig na mahangin na hindi ko ma-explain kung ano ba ang tamang itatawag para ro'n. Binalot din ng tila isang mamahaling perfume ang aking pang-amoy. Maski ang aking mga damit ay kinapitan na rin yata ng perfume dahil sa sobrang tapang ng aroma nito.

Nagpatuloy lamang kaming dalawa sa paglalakad at umakyat sa kanilang mahabang hagdan.

Bawat mga tauhang nadadaanan namin ay parati silang bumabati kaya naman binabati ko rin sila pabalik pero tila hangin lamang silang lahat sa kasama ko at dire-diretsong naglalakad lamang paakyat. Napaismid tuloy ako.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now