Author's Note

2.5K 155 16
                                    

Date started: Sept. 14, 2020

Date first posted: Sept. 22, 2020

Date finished: Jan. 28, 2022

Date last posted: Feb. 14, 2022

. . .

Time check: 11:20pm. Friday.

1 year, 4 months, and 14 days. January 28 ko ito sinulat pero Happy Valentine's Day everyone! Thank you so much for staying with me this whole time. Sa wakas at natapos na rin ang book one! Maraming salamat po sa pagbabasa ng aking akda at sa walang-sawang pagsuporta nitong HTTAD hanggang sa huli. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa inyo ng pormal kaya naman eto lang ang masasabi ko:


THANK YOU SO MUCH FOR JOINING AVERY AND TRAVIS' JOURNEY TO THE END.


Maraming salamat sa pagbibigay kulay ng kanilang buhay! Salamat at hindi niyo sila iniwanan at nanatili kayong matatag hanggang sa dulo, at salamat din sa pagtitiis na hintaying matapos ako sa pagsusulat! Sa mga readers ko dyan, alam kong marami nang bumitaw sa aking nobela pero kahit ganoon pa man, thank you so much pa rin sa inyong lahat dahil kundi dahil sa inyo, hindi tayo makakarating sa puntong ito ngayon.

Ang huling kabanata nitong libro ay dedicated para sa sarili ko dahil I just wanna congratulate myself for finishing my first ever story here on wattpad. Halos magf-five years na rin kasi ako rito eversince doon pa ako sa dati kong 1st account but now, I can finally say to myself that I am officially an author and a writer! Yippie!

Hindi man ako yung tipong klase ng isang perpektong writer pero hello? Proud pa rin ako sa sarili ko dahil nakapagsulat ako ng isang romance-genre story na ginagamitan ng descriptive writing HAHA! Though isa nga lang yun sa mga dahilan kung bakit maraming bumitaw sa aking akda, but who cares nga diba sabi ni Avery? At least I tried naman. And I think I really did a great job as a first timer.

Sorry pala kung medyo OA ako rito sa author's note ko hehe hindi lang kasi talaga ako makapaniwalang may natapos akong story. Alam kong marami na ring mga nag-try dyan at nagstruggle sa pagsusulat dahil hanggang ngayon, inaabot lang sila ng mga five chapters and then, titigil na. Well, ang mapapayo ko lang sa inyo is to keep on writing. I know, laos na po itong advice ko pero promise! Yun lang talaga ang key to success. Huwag ninyong isipin kung bakit walang nagbabasa ng story niyo at mag-focus lang kayo sa pagsusulat. Makikita niyo nalang isang araw, thousand reads na 'yan.

But again, thank you so much for all the reads and votes on my story! Pasensya na sa mga tanong niyong hindi ko nasasagot dahil minsan ay nalilimutan ko na hehe! But I can assure you, lahat ng mga comments dito ay nakikita ko at sobrang natutuwa ako tuwing binabasa ang mga insights niyo.

At sa mga readers ko namang hindi pa rin makaget-over at uhaw pa sa mga landian moments nina Travis at Avery... well, may isang malaking good news ako para sa inyo dahil may continuation pa po ang kanilang next story which is, "How To Love A Demon." Medyo matatagalan nga lang dahil sa ngayon ay magf-focus muna ako sa TBTM.

But it's fine! Kahit na tapos na itong HTTAD ay magp-post pa rin naman ako rito para sa mga lost and special chapters na hindi ko na nasulat last time. Kaya sa mga naghihintay pa ng update nito, i-archive niyo na muna ang HTTAD at para maging updated kayo sa mga paparating pang special chaps hehe! ^^

And sa mga readers ko rin palang hindi ko na-dedicate, huwag kayong mag-alala dahil id-dedicate ko kayo sa second part nitong HTTAD. Lagpas bente pa kayo sa listahan ko kaya intay-intay nalang muna or if you have some free time, pwede niyo rin akong samahang sulatin din ang akda naman ng TBTM. ;) basta wag niyo lang baguhin yung mga un niyo xD

Ayun lamang. Thank you so much for all the memories during my ackermalexxx years and I'll be seeing you again next time. Hanggang sa muli!


(〃∀〃)ゞ

. . .

Copyright © 2020 jseeyou

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon