Chapter 09

7.7K 431 26
                                    

AFTER

. . .

Avery's POV


Lumabas na ako ng banyo pagkatapos suotin ang underwear na hiniram ko kay Andrei. Ilang minuto na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari.

I mean, sino ba namang hindi mahihiya roon? Kahit kakilala mo pa yung tao o ka-close mo, sigurado naman akong mahihiya ka ng sobra. Hiramin mo ba naman yung panloob niya kung nasa tama kang pag-iisip?

Napabuntong-hininga na lamang ako at tiningnan ang suot kong panloob. Kasya naman ito sa akin. Mabuti na nga lang at sinama raw ng mama niya yung pinakamaliit niyang brief sa loob ng bag nito dahil kung hindi ay wala akong masusuot ngayon.

Kinuha ko na lamang ang jacket niyang binigay at pinantakip sa baba ko. Pagkatali ay humiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Hindi rin nagtagal ay pumasok na sa loob ng kwarto si Travis.

Umayos naman ako ng pagkakaupo nang makita ang dala-dala nitong mga tray ng pagkain. Nang makita niya akong nakapwesto na ay ipinatong nito sa aking mga hita ang isang tray.

Kinuha ko na yung spoon and fork at nagsimula ng magdasal bago lantakin ang pagkain. Habang ngumunguya ay tiningnan ko naman ang mga pagkaing binili niya.

Hindi ko alam kung naaalala pa rin niya ang mga paborito ko o sadyang asyumero lang ako pero yung mga nasa tray ko kasi ay lahat mga paborito ko. Hindi ko tuloy maipagkailang ngumiti.


Wala lang. Masaya lang akong naaalala niya pa.

Patuloy lamang ako sa pagkain nang kuhanin niya ang kanyang cellphone at may kung-anong ini-scroll sa screen. Maya-maya lang ay bigla nalang tumunog ang cp niya dahil malakas ang audio kaya dali-dali naman niyang hininaan ito at kinabit sa kanyang headphones.

Tinignan ko naman siya at nakitang tila kinakabahan ang kanyang ekspresyon. Kumunot ang noo ko. Ano bang pinapanood niya?

Tahimik nitong pinanood ang video sa kanyang phone habang pinagmamasdan ko naman siyang ngumunguya. Mahaba-haba rin ang pinapanood niya kaya naka-ilang subo ako ng kanin.

Akala ko ay kalmado lang ang magiging mood ng aming kainan nang bigla na lamang siyang tumingin sa akin ng galit at seryosong ekspresyon.

Hindi ko alam pero unti-unti akong nakaramdam ng kaba.


Luh, anong ginawa ko?

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at seryosong naglakad patungo sa 'kin. Bawat tunog ng kanyang mga yapak ay may bakas ng halong pagdiin at bigat na siya namang mas ikinabahala ng aking sistema.

Teka nga, ano ba kasing meron? Naguguluhan na naman tuloy ang sarili ko.

Nang makalapit ay malakas niyang hinawi ang kumot na nakabalot sa aking pang-ibaba. At dahil nakapatong ang aking pinagkainan sa mga hita ko ay tuluyang natapon ang sabaw nito sa aking suot.

"Waaaahhh! Ano bang problema mo?! Natapon tuloy yung saba—teka... h-hoy!" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang marahas na lamang nitong tinanggal ang nakabalot na jacket sa aking bewang.

Sinubukan ko pa itong agawin sa kanya subalit bigla na lamang siyang huminto at binigyan ako ng pinaka-nakakatakot nitong tingin.

Napatigil naman ako sa pag-agaw at yumuko. Kinuha naman niya itong pagkakataon upang magpatuloy sa paglalakad at tumungo sa cr, bago malakas na ikinalampag ang pinto.

Natuod ako sa aking pwesto.




Those eyes... Those were the eyes I saw that time.


How To Tame A DemonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum