Chapter 56

3.4K 231 19
                                    

GIFT

. . .

Avery's POV


"Avery... wake up. We're almost there."

Naalimpungatan ako mula sa aking mahimbing na tulog nang bigla na lamang may tumapik sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumati sa aking paningin ay ang nakatitig na mukha ni Travis.

Napakurap ako ng mga mata.

"Andito na tayo...?" umayos ako ng pagkakaupo at saglit na nag-inat ng katawan. Habang ginagawa iyon ay aksidenteng nahuli ko si Travis na nakangiti habang ako'y pinapanood.

"Really looks like a kitten," halos pabulong na lamang nitong wika kaya naman hindi ko ito masyadong naintindihan. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang 'yon at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

Gabing-gabi na pala. Ang layo ba naman kasi ng pinuntahan namin. No wonder inabot kami kanina papunta roon ng halos mga tatlong oras mahigit. Anong oras na kaya ngayon?

Lumingon ako kay Travis upang itanong sana kung anong oras na ba subalit nanlaki na lamang ang mga mata ko nang biglang may nahagip ang aking mga paningin na isang hindi kaaya-ayang bagay sa kanya.


Shems. Tumulo ba ang laway ko kanina habang natutulog sa braso niya?!

Wala pang ilang segundo ay dagling kumilos na ako at binuksan ang bag upang makapaghanap ng kahit anong panyo o tissue. Dahil sa biglaang pagkilos ko ay mukhang napansin naman iyon ni Travis kaya tinanong ako nito.

"What's wrong? You forgot something?" nagtatakang tanong nito habang pinapanood akong halungkatin ang lahat ng aking mga gamit. Hindi ko naman ito sinagot sa kanyang mga tanong, bagkus ay pinagpatuloy lamang ang paghahanap ng panyo o tissue.

Nang makahanap ay mas mabilis ko iyong kinuha sa aking bag. Muli akong humarap kay Travis at doon ay nagmamadaling pinunasan ang kanyang namamasang parte ng braso.

"S-sorry... hindi ko napansing tumutulo pala ang laway ko," nahihiyang paumanhin ko habang marahang pinupunasan ang basang parte ng kanyang braso. Narinig ko naman ang marahang paghalakhak nito sa sinabi ko.

"It's fine. As long as it's yours," casual lamang nitong sabi habang may nakapaskil pang ngiti sa kanyang mga labi. Nanigas ang aking katawan.

A-ano raw?

Kahit na lumulutang pa rin ang aking isipan dahil sa kanyang sinabi ay pinagpatuloy ko lamang ang aking pagpupunas sa kanyang puting polo. Pulang-pula ang buong mukha ko habang ginagawa iyon kaya naman yumuko nalang ako upang hindi niya ako makita.

Nang matapos ay hindi na ako nag-alinlangan pang tumigil at binalik ang panyo sa backpack kong dala. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang makaharap ito at makita ng direkta sa mata. Nilibang ko na lamang ang aking paningin sa mga kotseng dumadaan sa kalsada.


Makalipas ang ilang minutong pagb-biyahe sa loob ng bus ay sa wakas at nakarating na rin kami sa aming baryo.

Dahil medyo nawawala na ang epekto ng pinakain nitong candy sa akin ay hindi ko na siya hinintay pa at nauna nang bumaba ng bus. Wala naman itong angal sa aking mga ikinilos dahil alam naman nito ang kundisyon ko pagdating sa mga sasakyan.

Pagbaba naming dalawa ay mabilis kaming binalot ng malamig at sariwang hangin. Kahit na dapat ay kailangan pa naming sumakay ng tricycle bago tuluyang makarating sa aming bahay ay mas pinili ko na lamang na lakarin ang daan dahil walking-distance lang naman ang layo ng pinagbabaan ng bus sa bahay.


At isa pa, masasayang lang ang pamasahe kung sasakay pa.

Katulad kanina ay hindi rin ito umangal sa aking gusto at banayad na sinunod lamang ang aking plano. Sinubukan nitong sumabay sa aking paglalakad pero kalaunan ay tumigil din nang mapansing binibilisan ko ang aking paglalakad sa tuwing malapit na itong makasabay.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now