Chapter 59

3.4K 240 34
                                    

CRAZY

. . .

Avery's POV


"ANAK NG TIPAKLONG KAYONG MGA BATA! ANG SABI KO MAGLINIS LANG NG KALAT HINDI GUMAWA NG PANIBAGONG KALAT! MGA HINAYUPAK!"

"WAAAAAACCKKK--!" napatili ako sa sobrang gulat at hindi sinasadyang naitulak palayo si Travis sa akin.

Dahil sa biglaan kong pagtulak sa kanya ay bahagyang natigil ang kasalukuyan naming ginagawa.

Kapos-hininga akong napahagap ng hangin samantalang si Travis naman ay hindi naiwasan ang pagtama ng kanyang balakang sa nakasarang refrigerator.

"Arrrggghhhh!" malakas nitong daing habang nakangiwing hinihimas ng marahan ang kanyang balakang. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa nakita at akmang hihingi na sana ng tawad sa kanya nang makita ko si mama na pasugod na pala sa aming dalawa.

Nagmamadaling bumaba naman ako mula sa pagkakaupo ng lamesa at hindi na nagdalawang-isip pang hinila si Travis papalayo sa aming kinatatayuan.

Habang tumatakbo palabas ay nadidinig ko pa ang paminsan-minsang pagngiwi nito sa sakit subalit hindi ko na muna inintindi ang bagay na iyon dahil mas kailangan naming intindihin ang makatakas sa puder ni mama.

Pagkalabas ng bahay ay si Travis na mismo ang naunang tumakbo sa aming dalawa at hinila ako papunta sa kanyang sasakyan. Hindi na kami nagtangka pang lumingon dahil dinig na dinig naman namin ang malalakas na pagtawag ni mama sa aming dalawa.

"Hoyyy! Huwag niyo akong takbuhang dalawa!"

Paglapit namin sa kotse nito ay pinagbuksan niya agad ako ng pinto papasok sa loob. Pumasok din naman ito pagkatapos at nagmamadaling binuksan ang makina ng kanyang kotse.

Habang hinihintay itong paganahin ang makina ay saglit akong napasulyap sa gilid ng kanyang bintana at doon ay nakita si mamang tumatakbo papalapit sa amin. Napatapik ako ng mabilis kay Travis.

"D-dalian mo..." pagpapaalala ko sa kanya. Tumango naman ito sa akin bago tuluyang napatakbo ang kanyang sasakyan. Pagkaandar ay hindi na ito nagsayang pa ng oras at dali-dali itong pinatakbo sa gitna ng kalsada palayo.

Nang makalayo na kami ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag.


Anak ng pugita. Lagot na ako nito kay mama! Ano nalang ang ipapaliwanag ko sa kanya mamayang gabi?!

Ayos na sana eh. Maidadahilan ko pa sana yung gatas na natapon ni Travis kagabi. Pero wala na! Wala na yung pagkakataon ko dahil nahuli na talaga kami ni mama sa mismong akto. Patay talaga ako mamaya.

Dahil sa stress ay napapunas na lamang ako ng pawis sa noo. Kinapa ko ang aking likuran upang kuhanin ang panyo sa loob ng bag ko pero natigilan na lamang ako nang walang makapang bagay na dala-dala. Napahilot na lamang ako sa aking sentido matapos mag-sync-in ang lahat sa aking isipan.


Naiwan ko pa nga ang bag ko. Ang galing mo talaga, Avery. Ano bang klaseng araw ito?

"Hey, chill yourself, baby. Don't stress yourself so mu--"

"Don't stress?! E paano ako hindi mas-stress kung napagkamalan tayong may ginawa ni mama na wala na rin namang saysay kung magpaliwanag pa dahil nahuli na tayong dalawa sa kusina kung nagpigil ka lang sana kanina?!" habol-hininga kong singhal sa kanya.

Napatikom naman ito at napaiwas ng tingin sa akin.

"Look, I'm sorry okay? I just... can't control myself when it comes to you," pag-aamin nito habang nakatingin pa rin ng diretso sa aming harapan. Napalingon naman ako sa kanya matapos nitong sabihin ang katagang iyon pero mas umiwas lamang siya ng tingin sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at umiwas din ng tingin sa kanya.


How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now