Chapter 07

8K 448 41
                                    

WITH HIM

. . .

Avery's POV


"APRIIILLLL!!!!"

Sa halip na ako'y pansinin nito ay hindi niya ako binigyang-pansin. Bagkus ay tuwang-tuwa pang tumalon kasabay ni Andrei at nagsisigaw sa tubig bago humalubilo sa iba pa naming mga kaklaseng nags-swimming.

Hinawakan naman ako ni Andrei at sinubukang idala kung nasaan sila April pero bumitaw ako rito at sinamaan ito ng tingin.

"Wala akong pamalit!" nanggagalaiti kong giit.

"Anong wala? Sinilip ko kanina yung bag mo. Ang dami mo kayang mga dalang damit," aniya. Sasagot pa sana ako sa kanya pero bigla nitong tinakpan ang bibig ko at muling nagsalita.

"Yeah yeah blah blah blah! See you later nalang bespren!" at tuluyan na akong iniwan nito.

Nang mawala naman ito sa aking paningin ay parang akong baliw na tumawa-tawa sa gitna ng swimming pool.

"Anak ng pugita talaga!" napapikit na lamang ako sa sobrang inis. Huwag na 'wag talaga nila akong kakausapin mamaya at baka kung ano pang magawa ko sa kanila.

Wala na akong nagawa kundi ang umahon sa tubig at piniga ang mga damit. Nakakainis lang dahil puti pa naman ang suot kong tshirt at bakat na bakat ang pang-itaas kong katawan. Ayan na naman ang mga titig ng mga lalaki. What the hell is their problem?

Nahihiyang nagtakip na lamang ako ng pantaas ko at lakad-takbong pumasok ng hotel. Pipigilan pa sana ako ng crew doon dahil basa ako pero sinabi ko na lamang na naiwan ko ang towel ko sa room at kumaripas na ng takbo.

Pumasok kaagad ako ng elevator at laking pasasalamat ko nang walang taong sumabay sa akin paakyat. Bumuntong-hininga ako.


Pahamak talaga kahit kailan yung dalawang 'yon. Paano na ako magpapalit nito? Hindi ko naman kayang hanapin pa si kuya driver dahil pinagtitinginan na naman ako ng mga tao ro'n. At isa pa, ang lamig ng tubig at baka ginawin pa ako kakahanap kay kuya.

Lalo na ngayon. Air conditioned pa ang buong hotel. Nakakainis! Mamaya magkasakit pa ako. Huwag naman sana at nakakahiya kung ganoon dahil sumama pa ako tapos wala rin naman pala akong magagawa.

Pagtungtong sa pinakataas na palapag ay pumasok kaagad ako sa isang room at mabilis na nilock ang pinto. Dali-dali akong pumasok sa loob ng cr at nagbanlaw ng sarili. Wala pa namang katao-tao rito kaya ayos lang. Mabuti nalang at may pagpipilian dito kung hot or cold water ang gusto mo. Gaano ba kayaman itong resort na 'to?

Matapos kong magbanlaw ay muli kong piniga ang aking mga damit. Pati ang pantalon ko kahit mabigat ay pinigaan ko na rin. Nakakahiya naman kasing maglakad sa gitna ng hotel na basang-basa ako 'no.

Niyakap ko na lamang ang aking sarili at humarap sa salamin. Kung titingnan talaga ay para akong isang basang sisiw. Isama niyo pa itong medyo kahabaan kong buhok. Kung hindi niyo siguro ako kilala ay malamang sa malamang, magmumukha akong babae sa paningin niyo.

Pero set aside na muna 'yon. Paano na ako ngayon?

Siguro ay iniisip niyong bakit hindi nalang ako sa baba nagbanlaw ng katawan? May reason naman kasi kung bakit dito ako sa taas pumunta.

... which I don't really think that it would happen but what if diba?

What if... I can borrow his—no, nevermind.


NEVER IN MY LIFE AGAIN. EVER.

Bakit nga ba iyon pumasok sa isip ko?

Saglit naman akong natigilan sa pagmumuni-muni nang may maalala. Kung tawagan ko nalang kaya sila Andrei? Or maybe not? Sa palagay ko kasi, nags-swimming pa rin yung dalawang iyon.

How To Tame A DemonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum