Chapter 24

5.8K 371 45
                                    

NIGHT

. . .

Avery's POV


"H... ha?" hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman. Totoo ba ito? Baka naman nakatulog na talaga ako kanina at panaginip lang 'to?

Kinurot-kurot ko pa ang aking sarili upang malaman kung nananaginip nga ba ako subalit nasaktan ako.

"Avery?"

Hindi ito panaginip. Nandito talaga siya.

"Huy!" nabalik naman ako sa ulirat nang paluin nito ang braso ko.

"Ay! A-ano ulit yon?" binaba ko muna ang bitbit kong basura at tumingin sa kanya. Natawa naman ito ng marahan dahil sa saglit kong pagkawala sa sarili. Inunahan na muna niya akong ilagay sa loob ng basurahan ang kanyang sako at nagsalita.

"Parang masyado ka namang hindi makapaniwalang nandito ako. Bakit? Masyado ka bang nahihiwagaan sa mukha ko at iniisip mong parang nasa panaginip ka lang?" naaaliw nitong paghula. Medyo namula naman ako sa sinabi niya pero mabilis ding umiling.

"H-hindi kasi! Masyadong nagulat lang. Anong nahihiwagaan ka jan? Mukha bang ikaw lagi ang laman ng mga panaginip ko?" mabilis kong angal. Hindi naman nito sinagot ang tanong ko at nagkibit-balikat lang habang nakangiti.

"Wala akong sinasabi. Ikaw lang ang nag-iisip niyan," mapang-uyam niyang sambit. Napakagat-labi ako sa sinabi niya.

Hingang malalim, Avery. Huwag laging napipikon. Sa susunod talaga, magpapaturo na ako kung paano magmeditate ng matagal.

"Alam mo Andre--"

"Baby," hindi ko na natapos pa ang dapat kong sasabihin dahil may bigla na lamang sumabat sa akin. Sabay namang nabaling ang atensyon namin ni Andrei sa likod upang maharap yung kaninang nagsalita.

"T-Travis..." nanigas naman ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang bigat ng tindig na dinadala niya. Napatingin ako sa kanyang mukha at nakitang magkasalubong ang kanyang mga kilay.

Tila nag-uumapaw ito ngayon sa inis at galit. Bawat hakbang nito papalapit sa amin ay siyang pagbigat naman ng kung ano sa aking kaloob-looban. Halos mangatog ang aking mga tuhod nang makita ang blankong ekspresyon sa kanyang mga mata kaya hindi ko maiwasang manginig dahil sa takot na nararamdaman.

Nang tuluyan itong makalapit sa amin ay mabilis niya akong hinigit papunta sa kanyang pwesto at kumapit ng mariin sa aking maliit na bewang. Napaigtad pa ako ng kaunti dahil sa init na sinisingaw ng kanyang katawan nang magdikit ang aming mga balat. Nakakapaso ang mga haplos niya.

"Travis?" nalipat naman ang tingin ko kay Andrei na ngayon ay naguguluhan ang mukha dahil sa biglaang pagsulpot ni Travis.

"Yes, Barney?" Tugon naman ni Travis.

Mukhang hindi nagustuhan ni Andrei ang tinawag sa kanya ni Travis pero hindi na muna niya ito binigyang-pansin.

"Why are you here? Nakatira ka rin ba dito?" takang tanong ni Andrei. Tamad naman itong sinagot ni Travis.

"No... not yet, Barney. But soon, I will move here too."

"Pwede bang tigil-tigilan mo ako sa pagtawag sa'kin ng Barney?" medyo naiiritang sambit na ni Andrei. Nahahawigan ko na ang inis nito sa kanyang boses. Napangisi naman si Travis.

"Why? Did I offend you? Sorry, I just thought you're really him. You do look like him," sarkastikong gantal niya.

"No, I'm not really offended to you. I just can't believe I'm talking to one of Dora's assistant." Ngayon ay si Andrei naman ang ngumisi sa kanilang dalawa.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon