Chapter 21

6.2K 353 58
                                    

LATER

. . .

Avery's POV


"Hmmm..." ungol ko nang ako'y magising dahil sa sinag ng araw. Dahil antok pa ay dahan-dahan muna akong nag-inat subalit nagtaka ako nang hindi ko ma-inat ng mabuti ang aking mga kamay.

Pasikat pa lamang ang araw at medyo naninibago pa ako sa silid na aking pinagtulugan. Napapikit ako. Hindi ko nga pala ito kwarto dahil nasa penthouse ako ngayon ni Travis.

Travis... magkatabi kaming natulog.

Nang magising ang buong diwa ko ay dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Malabo-labo pa sa una ang paningin ko pero nang luminaw na ay saka ko lamang napansin ang posisyon naming dalawa na labis kong ikinagulat.

Nakapatong ako sa katawan niyang walang suot pang-itaas at naka-ikot pa ang dalawang kamay ko sa kanyang leeg. Habang siya ay tulog na tulog at... at...


Yung kamay na naman niya. Nasa loob ng pambaba ko at prenteng nakapatong sa aking pang-upo.

"KYAAAAAAAAHHHH!" napatili ako ng malakas sa sobrang gulat. Napatayo ako mula sa pagkakadapa at siya'y nagising din dahil sa biglaang pagsigaw ko.

Akmang lalayo na sana ako sa kanya nang bigla na lamang sumabit ang paa ko sa kanyang kumot kaya naman walang ano-ano'y nahulog ako sa kanyang kama.


YUNG PWET KO!!!

"Awww!" napahimas ako sa aking pwet dahil ito ang unang dumapo sa sahig. Shemay, parang may nabaling hindi ko maintindihan.

"Are you okay?!" puno ng pag-aalala niyang sambit nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Mukha ba akong okay? Anak ng ponytail. Feeling ko may nadiscolate sa baba ko."

"It's dislocate, baby. Not discolate," natatawang banggit niya. Sinamaan ko naman ito ng tingin at mahinang pinalo sa braso.

"Ewan ko sayo! Wala akong pake. At 'wag na 'wag mo akong matawag-tawag na 'baby' dahil kung hindi ay sasapakin talaga kita," irita kong anas sa kanya. Napahalakhak naman ito sa aking sinabi at ngumisi.

"Okay... baby." Nilapit niya sa akin ang kanyang pisngi at naghintay ng suntok.

*SMAAAACKKK!*

"AWWW! WHAT THE F*CK?!?" galit na galit nitong usal habang nakahawak sa kanyang pisngi. Napairap ako at ngumisi.

Anong akala niya sa 'kin? Nagbibiro?

Asarin na niya ako sa lahat ng oras, huwag lang sa paggising. Subukan lang niya akong inisin sa umaga at papatulan ko talaga siya ng mas higit pa.

Pero agad ding napawi ang ngisi ko nang muli na namang kumirot ang aking bandang pwet. Oo nga pala, may problema pa ako rito.

Ayoko mang aminin sa kanyang kailangan ko ng tulong pero hindi ko talaga kayang makatayo kaya naman wala akong nagawa kundi ang humingi muna sa kanya ng tulong. Naiiling na tinulungan na lamang niya akong makatayo at nagparinig.

"You have the guts to punch me in the face yet you can't even stand up on your own. You really are an idiot."

"Idiot your face. E kung hindi ka ba naman kasi tumigil kakatawag sa 'kin ng 'baby', edi sana hindi ka nakatanggap ng sapa--"

"Yeah yeah yeah. You can shut your mouth now... baby." Muli ko siyang tiningnan ng masama pero parang wala lang ito sa kanya at nagawa pang ngumiti ng loko. Napairap na lamang ako at hindi na pumatol pa.

Alam ko namang hindi kami matatapos dito kung hindi pa ako titigil. Wala kasi sa bokabularyo nito ang magpatalo sa kahit sino.


***


How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now