Chapter 22

6.2K 353 27
                                    

THE START

. . .

Avery's POV


"Oh, anyare sa face mo bes?" napatingin naman ako sa aking tabi nang makitang sumulpot si April sa gilid ko.

Kasaluluyan akong naglalakad ngayon papuntang school at hindi sinasadyang magkasalubong kami sa iisang daan ni April. Nakasuot din ito ngayon ng uniporme sa campus at tila bloomy ang mood nito ngayon. Napakagat ako ng labi. Buti pa siya, walang kaproble-problema.


Kapag talaga nagkita kami nung Travis na 'yon, magtutuos talaga kaming dalawa. Pampam siya.

"Wala. Huwag mo nalang akong pansinin dito," sagot ko sa tanong niya. Inirapan na lamang niya ako at inunahan sa paglalakad.

"Bahala ka. Ang aga-aga, lumbay agad ang pinapakalat mo," ngiting sambit nito at masayang gumiri-giri sa daanan. Napabuntong-hininga ako.

Hindi naman kasi ako magkakaganito kung hindi lang dahil sa Travis na 'yon!

Pagkarating sa loob ng campus ay muli na naman nila akong pinagtitinginan. Napayuko na lamang ako sa kanila at tahimik na lumakad sa hallway.

Eto na naman tayo.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagmamadaling tinungo ang daan papunta sa aming silid. Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko upang hindi sila bigyan ng tingin ngunit hindi ko parin naman maiwasang mapansin ang mga mapanuri nilang mga mata. Nakakainsecure lang talaga ng sarili.

Pag-akyat sa aming building ay natanaw ko na agad ang aming klase. Medyo maingay pa sa loob kaya napanatag ng konti ang aking loob. Medyo tinanghali narin kasi ako dahil nga bumalik pa akong bahay para magsuot ng uniform namin.

Pagpasok ay hindi naman nabawasan ang ingay sa silid. Masaya naman ako roon dahil ang klase lang talaga namin ang nag-iisang klaseng walang bigayan ng special treatment. Lahat kasi kami dito ay nagtuturingang magkakapamilya.


Well... halos lang pala.

Inikot ko ang aking tingin sa buong sulok ng room pagkaupo sa aking table seat. 'Di sinasadyang magtama ang aming mga mata ni Travis na ngayon ay nakahalumbaba lamang at nakatitig pala sa akin. Namula ako.

Pero napalitan din agad yun ng inis nang maalala na naman ang mga pinagsasasabi niya kay mama.

Tch. Bahala siya, 'di ko na siya kakausapin.


Inilaan ko na lamang ang buong atensyon ko kina Andrei at April sa buong session. Paminsan-minsa'y sinisilip ko kung anong ginagawa niya ngunit wala naman itong ginagawang kahit ano bukod tumitig lamang sakin.

Hindi kalaunan ay tinigil ko na rin ang pagsilip at bumuntong-hininga.

Akala ko ba hindi ko na siya papansinin?

Hinintay ko na lamang na dumaloy ang oras hanggang sa mag-lunch break na.


***


Pagsapit ng break time ay sabay-sabay kaming tatlo nila April na pumuntang cafeteria. Si Andrei ang nag-volunteer na umorder ng pagkain habang kami naman ni April ang naghanap ng mauupuan.

Nang makahanap ng lamesa ay paupo na sana ako nang maalalang may dapat pa pala akong kunin sa locker. Nagpaalam muna ako kay April sandali upang makuha ang mga kakailanganin ko para mamaya at sa huli ay pumayag na rin siya.

Hindi naman ako natagalan sa pagpunta dahil malapit lamang ito mula sa aming cafeteria. Pagpasok sa locker room ay hindi na ako nagpatagal pa at kinuha na agad ang lahat ng kakailanganin at mga iilang libro. Dahil hindi ko naman dala ang bag ko ay binitbit ko na lamang ang mga ito at sinara na ang aking locker.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now