Chapter 19

7.1K 376 23
                                    

CUDDLE

. . .

Travis' POV


One time, sinusundan ko lamang siya sa kanyang mga lakad. Hindi ako nagpapahalatang sumusunod sa kanya kaya wala siyang kamuwang-muwang na may sumusunod pala sa kanya. I have no intention of frightening him. My only intention is to see and watch him as well at the same time.

Pumasok ito ng library. Maya-maya'y pumasok na rin ako at pasimpleng umupo sa isang study table. Kumuha ako ng ilang libro at binuksan ang mga iyon para hindi ako mahalatang nakatutok sa kanya.

Tahimik ko lamang siyang pinanood sa aking pwesto. Tila paikot-ikot ito sa kanyang kinatatayuan at paminsan-minsan ay hindi mapakaling nagt-type sa kanyang cellphone. Kumunot ang noo ko. What's bothering him?

Maya-maya'y bigla namang sumigla ang kanyang mukha habang may binabasa sa phone niya. May ka-text yata. Papanoorin ko pa sana siya ng mas matagal ngunit mabilis naman akong naalerto nang bigla niyang ikutin ang kanyang paningin. Dali-daling kinuha ko ang isang libro sa tabi at binuklat ito ng pagkalaki-laki upang matakpan ang aking mukha. I was sweating profusely when his eyes stopped in my seat.

Sh*t, did he noticed me?

Nakailang lunok pa ako ng laway bago niya tuluyang alisin ang gawi sa akin. Dahan-dahan akong sumilip at nakita siyang nakatalikod na at nakatingkayad habang pilit na inaabot ang isang libro sa taas niya. I paused for a moment.


Is... is this the time?

Huminga ako ng malalim habang pinapanood siyang kuhanin ang alkat sa mataas na shelf. I can't just waste this moment.

Kinakabahan akong tumayo at dahan-dahang lumapit sa kanya. Halos umagos na sa buong mukha ko ang aking mga pawis habang papalapit sa pwesto niya.

Lumapit ako sa mismong likuran niya at inunahan siyang kunin ang librong pilit niyang kinukuha.

"Do you need my hel--"

"Andrei--?" mabilis siyang humarap sa akin at nagtama ang aming mga tingin. Mabilis naman napawi ang aking kabang nararamdaman at kalaunan ay napalitan iyon ng inis at galit.


The f*ck?

"What?" hindi ko maiwasang mairita habang siya ay tinatanong. Tila binalutan naman ng kaba at takot ang kanyang mukhang kanina lamang ay may bakas pa ng saya. Hindi agad ito nakapagsalita at sandaling na-estatwa sa kanyang kinatatayuan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay saka lamang siya nakapagsalita.

"S-sorry... a-akala ko ikaw si Andrei..." ang sambit nito sa pabulong na tono.

"Andrei?" nagsalubong ang aking mga kilay sa narinig. Andrei? Hanggang ngayon, kasama pa rin niya yung ugok na 'yon?

"O-oo," nauutal nitong sagot. Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib habang nakatitig ng mariin sa kanya. Was he waiting for that dumbsh*t?

"A... ano palang ginagawa mo rito?" nabalik naman ako sa ulirat dahil sa kanyang sinabi.

"Why the hell do you care?" malalim kong tugon at inis na kinuha ang librong nasa itaas niya. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin at nagmamadaling umalis doon sa pwesto.






F*ck.

I missed the chance.

Padabog akong umupo sa kanina kong lamesa ng patalikod at binuksan itong hawak kong libro. Hindi ako nagdadabog dahil sa sinabi ni Avery. Nagdadabog ako dahil sa sarili ko.

I'm a stupid idiot. Inuna ko muna ang aking galit imbis na makipagbati ng maayos sa kanya. And now that I've done it, ano na ang gagawin ko ngayon?!

Palihim akong tumingin sa aking tapat kungsaan may isang salamin at saktong nakaharap ito sa direksyon ni Avery. Nakatayo pa rin ito sa kanyang pwesto habang nakatingin sa aking likuran. My eyes did not escape the gradual dripping of his tears in his lovely eyes. I cursed myself.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now