Chapter 20

6.5K 361 25
                                    

LAST

. . .

Avery's POV


ANAK NG PUGITA.

Hindi ako mapakali sa aking pwesto dahil sa mga kamay niyang nakapalibot sa bewang ko. Paminsan-minsan ay pinipilit ko naman iyong tinatanggal pero sa tuwing ginagawa ko iyon ay mas humihigpit lamang ang kanyang pagkapit sa 'kin, dahilan para mas magdikit ang aming mga katawan.

Ramdam ko pa ang kanyang hiningang kumikiliti sa aking batok.

"No... please," animo'y nahihipnotismo naman ako sa kanyang pananalita kaya pinabayaan ko na lamang siya.

Namula ang mga pisngi ko nang himasin niya ang aking tiyan... hanggang sa pumasok na ang kanyang mga palad sa loob ng suot kong damit. Tila napaso naman ang aking tiyan nang direktang magdikit ang aming mga balat.

Mariin akong napapikit.

"T-Travis... y-yung kamay mo..." hindi ako mapakali sa aking pwesto kaya naman sinusubukan ko talagang kumawala sa kanyang mga hawak ngunit umuungot lamang ito at mas hinihigpitan pa ang kapit sa aking katawan.


Hanggang sa bigla na lamang niyang himasin pataas ang aking loob at dumapo ang kanyang kanang palad sa aking mga utong. Napasinghap ako.

Bakit... b-biglang nag-iinit ang katawan ko?

Mas pinamulahan ako ng mukha nang sinimulan niya itong paikutin gamit ang kanyang mga daliri at wari-wari'y pinaglaruan. Pilit ko mang pinipigilang mag-react sa kanyang ginagawa pero nang tumagal na ay hindi ko na napigilang maglabas ng mumunting mga ungol.

Bigla akong pinanghinaan at dahan-dahang napasandal sa kanyang matipunong katawan. Hindi naman ito tumigil sa kanyang ginagawa at dahil nakasandal ako sa katawan niya, rinig na rinig ko ngayon ang kanyang mabibigat na hininga sa aking tenga.

Matagal kaming nanatili sa ganoong pwesto. Akala ko ay hanggang doon na lamang pero ang hindi ko talaga inaasahan ay ang biglang may tumusok na kung ano sa pang-upo ko.


Ano yun? B-bakit ang tigas?

Nang makaramdam akong rumarahas na siya ay bigla akong naalerto at mabilis na gumawa ng paraan upang mapatigil na itong ginagawa niya sa akin.

Buong lakas kong inikot ang aking katawan at walang ano-ano'y humarap sa kanya. Dahil sa aking ginawa ay sabay kaming natigilan sa aming pagkilos at maya-maya lang ay napagtanto ang aming mga pwesto.

Shems. Sobrang lapit pala namin sa isa't isa.

Hindi ko maiwasang pamulahan na naman ng mukha nang magkatinginan kami ng mata sa mata. Ano bang nangyayari sa kanya?




Ano itong nangyayari sa 'kin?

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili.

Stop making things complicated, Avery. Don't put things under conclusion. Tandaan mo, may galit yan sa mga bakla.

Ilang minuto kaming nagkatitigan hanggang sa unti-unti na nitong nilapit ang kanyang gwapong mukha. Dahil sa sobrang kaba ay mabilis naman akong napatikim at nauutal na nagsalita.


"G-gusto mong kantahan kita?" saglit itong natigilan sa sinabi ko at bahagyang kumunot ang noo bago tumugon.

"What?" naguguluhan nitong sambit.

Tila nanuyo naman ang aking lalamunan dahil binibigay niyang tingin kaya napalunok ako ng laway.

"Akala ko kasi, hindi ka makatulog... k-kaya kakantahan nalang sana kita." Pinagsasampal ko ng malakas aking sarili sa utak ko habang nagrarason kay Travis. Magdadahilan ka na nga lang, napakababa pa.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now