Chapter 53

3K 219 19
                                    

CONFESSION

. . .

Avery's POV


"Hey," lumingon ako sa direksyon na pinagmulan ng isang pamilyar na boses. Nang magtama ang aming mga paningin ay ngumiti ito sa akin kaya naman ngumiti rin ako pabalik.

"Hey," bati ko pabalik kay Harry.

"Sorry I'm late," nahihiyang aniya nang tuluyan itong makalapit sa akin at nagkamot ng ulo. Mabilis naman akong umiling sa kanya at ngumiti.

"Ano ka ba, okay lang. Kung tutuusin nga, ako dapat ang mag-sorry dahil biglaan lang itong alis natin."

Totoo naman kasi. Masyadong biglaan ang pag-alis namin ni Harry. Parang kanina lang ay tumatawag lang siya sa 'kin tapos ngayon, aalis na agad kami. Hindi ko kasi alam kung anong nakain ko at bigla ko na lamang nasabi sa kanyang umalis kami ngayong araw mismo.


Basta'y pumasok nalang bigla sa aking isipan kailangan ko munang magpakalayo-layo kahit saglit.

Siguro ay dahil sa mga nangyari kanina habang kasama ko si Travis.

Masyado lang talaga akong nasaktan sa ko natuklasan ngayong araw. Hindi niyo naman siguro ako masisisi dahil kung ikaw ba naman, sinabihan mismo ng taong mahal mo na may ginawa ito sa iba, sino bang hindi masasaktan doon?

Idagdag mo pang alam nito na may nararamdaman ka para sa kanya, pero sinabi niya pa rin iyon sayo. Napakasakit lang marinig mula sa bibig niya. Parang pinapalabas kasi nitong wala lang iyon sa kanya. Paano naman ako? Hindi ba niya naisip kung anong mararamdaman ko?


O sadyang wala lang talaga siyang pakialam sa 'kin?

Hindi ko kinausap si Travis sa buong durasyon ng aming klase. Pagkatapos kong kausapin si Harry mula sa telepono ay medyo gumaan ng kahit kaunti ang loob ko kaya naman bumalik nalang ulit ako ng silid-aralan.

Nang makita niyang bumalik ako sa loob ay mabilis itong humingi ng tawad sa kanyang sinabi pero hindi ko na lamang siya binigyang-pansin dahil mas lalong umiinit lamang ang ulo ko.

Mabuti nalang at nanuyo rin kaagad ang mga luha sa mata ko at hindi na ito muling naluha pa.


He's not even worth it to be cried anyway. Masasayang lang itong luha ko kung ilalabas ko lang sa taong wala namang pakikiramdam sa iba.

Kahit noong dumating ang lunch time ay kay April ako tumabi at hindi kay Travis. Alam ko naman kasing tatabi at tatabi ito sa akin dahil gusto nitong humingi ng tawad sa mga sinabi nito kaya naman idinikit ko talaga ang sarili ko kay April para lang mawala ito sa tabi ko.

Nagtagumpay din naman ako matapos ang ilang beses na pangungulit nito sa akin. Hindi rin ito nakaupo sa lamesa namin dahil pang-apatan lamang ang upuan sa isang table. At kung tatanungin niyo kung sino ang pumalit sa kanya? Aba'y syempre, walang iba kundi si Emma na kanina pa tabi ng tabi kay Andrei.

Hindi na kami nagpatagal pa at nagsimula na ring kainin ang aming mga pagkain. Habang kumakain ay naisipan kong sabihin na sa kanila ang dahilan kung bakit nagkapalit-palit kami ng mga pwesto.

Paminsan-minsan ay nakikisingit din at nakikitawa sa kwentuhan namin si Emma pero madalas ay nahuhuli ko itong lihim na napapairap sa 'kin sa tuwing ako na ang nagsasalita sa aming tatlo nila Andrei na nagkukwentuhan. Palihim na umuungot na lamang ako.


Fc nitong babaeng 'to. Wala na ngang unggoy na kanina pang nanggugulo sa isipan ko, ito namang epal ang pumalit sa kanya. Nakakairita lang.

May ilang beses pa ngang nagtatanong ito sa kila Andrei kung nakita ba nila kung nasaan ngayon si Travis, pero nagkikibit-balikat lamang ang dalawa sa mga tanong nito at mabilis na iniiba ang usapan. Napapairap tuloy ako.

How To Tame A DemonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum