Chapter 57

3.8K 261 40
                                    

Author's Note:

The following continuation of this chapter will be marked as a restricted scene because of its mature content. If you are still 17 and below, please DO NOT read this chapter because it is not suitable for very young audiences. Parental guidance is advised. Char! But legit, skip niyo nalang muna if you're still a minor. It won't affect the story naman. Sinasabihan ko na kayo dahil baka sabihin niyo pang hindi ako nag-warning at i-report niyo pa yung story ko. Yun lamang! Enjoy reading. :)

. . .

GREATEST

. . .

Avery's POV


"Avery!"

"Ha?" mabilis akong napakurap ng ilang beses at napatingin sa gawi ni Travis.

"You're spacing out again. Ano ba kasing iniisip mo?" prangka nitong tanong sa akin. Napayuko na lamang ako at nagkamot ng ulo.

"W-wala... hehehe. Lumilipad na kasi ang isip ko dahil pagod na," pagdadahilan ko at napabuntong-hininga. Tigil na nga sa pag-iisip, kanina ka pa.

Hindi na lamang din nagsalita si Travis at humugot ng hininga.

Tahimik naming tinungo ang daan papuntang bahay. Pagdating ay wala na kaming naabutan pang naglilinis dahil alas-nuebe na ng gabi. Pagpasok ay nagtungo agad ako sa kusina upang ilagay sa lamesa ang hawak kong mangga at uminom ng maraming tubig.

Habang umiinom ay pinakiramdaman ko ang buong paligid at kung nasaan ngayon si Travis. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong binababa ni Travis ang suot na bag sa sofa at pagtapos ay lumapit sa pwesto ko.

Naalarma naman ako dahil doon kaya minadali ko na ang pag-inom ng tubig at mabilis na pinatong sa lababo ang ginamit na baso.

Akmang paalis na sana ako sa kusina nang bigla na lamang akong hinigit ni Travis sa aking bewang at inilapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang magdikit ang aming mga katawan.

"A-ano ba, Travis... aakyat na ako--"

"Wait," pagsabat nito sa aking pagsasalita at binuksan ang nasa harapan naming refrigerator.

Dahil ayaw ako nitong bitawan sa pagkakahawak ay wala na akong nagawa pa kundi ang panoorin na lamang ito sa kung anong susunod nitong gagawin.

Kumuha ito ng isang box milk sa loob ng refrigerator at ito'y binuksan ng dahan-dahan. Hindi ko naman alam kung bakit o nahihibang na ba ako pero habang tumatagal ay para akong nahihipnotismo sa paraan ng mga pagkilos nito.

Wala sa sariling pinanood ko itong banayad na inumin ang hawak nitong gatas sa kanyang kaliwang kamay. Dahil nakatingala ito ay kitang-kita ko ang bawat paglunok na ginagawa niya sa kanyang leeg. Tila nanuyo bigla ang aking lalamunan sa nakita.

A... anong ginagawa niya?

Pinilit kong ayusin ang aking pagkakatayo habang nakatitig pa rin kay Travis ng mariin. Subalit nagulat na lamang ako nang biglang may tumulong maliit na butil ng gatas sa gilid ng kanyang mga labi. Nagsi-taasan ang mga buhok ko sa katawan.

"Hmm..." biglang kumawalang ungol sa bibig nito na siyang ikinasinghap ko.

Itutuloy ko pa sana ang aking panonood sa kanyang ginagawa nang bigla na lamang may sumilay na isang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Sandaling nagproseso naman ang lahat ng mga nakita ko sa aking utak at nang maintindihan ang kanyang mga pinaggagawa ay saka lamang akong natauhan.

Inaasar niya ako.

At nagpahuli naman ako.


Hinayupak.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now