Chapter 45

3.5K 243 20
                                    

QUARREL

. . .

Avery's POV


"F*ck."

"Hehe, salamat!"

Malugod kong inagaw sa mga kamay nito ang kanyang hawak na cellphone at ito'y binuksan. Napasimangot naman ito sa aking inasta at tahimik akong pinanood sa pagkalikot ng phone nito sa kanyang ibaba.

Hindi naman na ako umangal pa at pinabayaan na lamang siyang sumampa sa akin dahil ang importante ay pinahiram na ako nito ng kanyang cellphone.

Hindi ko na kinailangan pang tanungin siya kung anong password ng cellphone nito dahil naka swipe-to-unlock lang naman ang lock screen niya.

Pagbukas ay agad kong hinanap ang kanyang Facebook app at mabilis na ni-log in doon ang aking account.

Pero bago ko iyon gawin ay naisipan kong tingnan muna ang search button nito sa fb upang i-type ang full name ko. Hindi ko alam kung bakit naisip kong i-search sa account nito ang pangalan ko pero bigla nalang kasi pumasok sa isipan kong lagyan ng likes lahat ng mga posts ko sa aking account.


Sayang din naman kasi itong pagkakataon at baka hindi na mangyari ulit.

Subalit pagkabukas ko pa lamang ng search button nito ay nagulat na ako nang makitang nasa recent history ni Travis ang profile ko. Saglit naman akong natigilan pero maya-maya rin ay lihim akong napangiti at napaubo na lamang ng peke.

Bukod sa aking profile ay wala nang sumunod pang naka-search sa history nito. Pinindot ko ang aking username upang ma-open ang loob ng fb account ko.

Nang mabuksan ay mabilis ko naman itong ini-scroll pababa upang makita ang mga shared posts ko.

Mabilis kong pinagt-tap ang mga reaction buttons sa bawat posts ko upang mas dumami ang mga likes nito. Mabuti na lamang at friends na kami ni Travis sa facebook dati pa dahil kung hindi ay baka masayang lamang itong pagkakataon at hindi ko malalagyan ng mga reacts itong mga pino-post ko.

Inisa-isa ko ang aking mga post sa fb at pinaglalagyan iyon ng mga likes. Pati na rin sa aking profile picture ay hineart ko na dahil sayang naman kung hindi ko pa iyon gagawin 'no.

Nang makuntento sa pagl-like ay umalis na ako roon at ni-log out na ang kanyang fb account. Ni-log in ko rin naman ang akin pagkatapos at tinype doon ang aking password.

Nang ma-open ay sunod-sunod na nagsi-labasan ang mga numero sa aking notifications na siya namang nagpangiti sa akin.

Binuksan ko iyon isa-isa kahit na alam ko naman na ang nilalaman no'n at palihim na napangisi nang makita ang pangalan nitong nakasulat sa baba ng mga posts ko. Napangiti na lamang ako sa aking mga pinaggagawa at muling bumalik ng home bar.

Wala naman talaga akong balak na gawin sa fb at gusto ko lang talagang libangin ang aking sarili kaya naman tumingin nalang ako sa mga posts ng iba.

Habang nags-scroll sa newsfeed ko ay panay naman ang pagtawag sa akin ni Travis pero hindi ko nalang siya pinapansin at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga post.


Hanggang sa maya-maya'y napatigil na lamang ako nang bigla nalang may nag notify sa aking account.


'Harry Thompson sent you a friend request.'


Harry Thompson? Si Harry?

Dahil sa kuryosidad ay pinindot ko naman ang pop-up notification na iyon at pagtapos ay lumabas doon ang fb account nito.

Pinindot ko ang picture ng profile pic nito at doon ay napagtanto kong kay Harry nga talaga ang account na iyon. In-accept ko naman siya kalaunan at mabilis na napalitan ang button na respond at naging friends.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon