Chapter 32

4.1K 258 19
                                    

CURIOUS

. . .

Avery's POV


"F*CK," malutong nitong mura matapos kong dakmain ang kanyang pototoy.

Akmang tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ko sa kanya pero bigla na lamang akong nanigas sa aking kinatatayuan nang bigla itong gumalaw ng sarili.




K-kumislot yung junior niya.

Halos manginig pa ang kamay ko nang maramdaman ang unti-unting paglaki ng ano niya kahit na hindi ko ito hawak ng direkta. Namula ang mga pisngi ko.


Anak ng pugita. Hindi nga pala 'to pototoy gaya nung akin. Anaconda pala 'to.

Naramdaman kong humina ang pagkakagapos niya sa aking katawan. Ginawa ko naman itong pagkakataon para makaalis sa loob niya pero bigla na lamang kumilos ang katawan nito na siyang nagpatigil naman sa paggalaw ng aking buong katawan.

Hindi pa man ako nakakababa ng maayos ay bigla na lamang siyang kumilos at mas mabilis na sinandal ako sa kanyang mamahaling sasakyan.

Dahil nakatingkayad ako ay wala akong magawa kundi ang mapakapit sa baywang niya at iyakap ang dalawang mga kamay sa kanyang likuran.

Ang kinalabasan tuloy ay para akong isang koala na nakasabit sa kanyang katawan.

Namutla ng sobra ang aking mukha habang nakatulala lamang sa aming pwesto. Sinubukan ko namang ibaba ang aking mga paa sa lupa ngunit mas tumaas ang lebel ko dahil sa pagkaka-buhat niya. Wala akong nagawa kundi ibalik ang pagkaka-pulupot nito sa kanyang balakang.

Hindi ko naman maitakip ang dalawang kamay ko sa mukha dahil ipit na ipit ang katawan ko sa katawan niya at hindi pa nakakatulong ang makapal nitong hoodie na tila mas tinutulungan pa akong madikit sa kanyang mga balat. Napasandal na lamang ako sa gilid ng kanyang leeg.

Ramdam ko ang pagbasa ng aking damit dahil sa kanyang mas lumala pang pawis at ang mainit nitong katawan na mas lalong bumabaon sa aking sarili. Maski ang kanyang likuran ay namamasa na sa pawis at init na nararamdaman kaya hindi maiwasang mamasa rin ng aking mga kamay na nakakapit sa kanya.

Nararamdaman ko pa ang ilang paglunok ni Travis ng laway sa aking gilid kaya mas lalo akong ping-initan ng mukha.

Imbis na makatakas na ako kanina, mas pinalala ko lang ang mga nangyayari.

"T-Travis..." hindi ko na napigilan pang mapaluha. Isinubsob ko na lamang ang buong mukha ko sa katawan niya at doon inilabas ang aking mga nararamdaman.

Dahil doon ay bahagyang napatigil naman ito sa kanyang ginagawa.

Ilang sandali ay dahan-dahang binaba na ako nito at inilabas sa loob ng damit niya. Pero pagkalabas ay muli akong sumubsob sa kanya at muling iniyak ang lahat ng aking nararamdaman.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Basta ang alam ko lang, may gustong lumabas na kung anong mainit sa tiyan ko at hindi ko alam kung paano iyon tanggalin doon.

Niyakap naman ako pabalik nito at hinimas ang aking likuran. Tila pinapatahan ako sa paghikbi. 'Di kalaunan ay napatahan naman ako nito at napayakap na lamang ng mahigpit sa kanyang katawan. Pakiramdam ko kasi anumang oras ay mahuhulog ako sa lapag kapag wala akong kakapitan.

Nang tuluyan akong tumahan mula sa pag-iyak ay pinunasan ko na lamang ang aking mukha at walang ano-ano'y tumalikod na agad sa kanya. Narinig ko pa itong tinawag ako sa pangalan subalit hindi ko na siya hinarap pa dahil hindi ko kakayaning makita nito ang nakakahiyang estado ko ngayon. Ang gulo-gulo ko kaya.

How To Tame A DemonKde žijí příběhy. Začni objevovat