Chapter 01

19.9K 666 64
                                    

TRAVIS

. . .

Avery's POV


"Travis..."

Mabilis naman akong natalima nang bahagya itong lumingon sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin at nagkunyaring nagsasagot sa papel.

Ilang minuto akong nag-aktong sumusulat at tila pinagpawisan pa kahit naka air conditioning naman ang aming silid-aralan. Hindi ko man siya tingnan ng direkta ngunit alam ko at ramdam na ramdam ko ang kanyang matatalim na tingin sa akin.

Habang tumatagal ay mas lumalaki ang kabang namumuo sa aking kalooban dahil hindi pa rin nito tinatanggal ang kanyang mga titig sa akin subalit makaraan ang ilang mga minuto ay tuluyan na rin niya itong tinanggal at ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.

Pasimple kong pinunasan ang pawis na tumulo sa gilid ng aking ulo at huminga ng malalim.

Bakit mo ba kasi sinabi ng malakas ang pangalan niya, Avery?! Napakasira mo talaga!

Umayos na lamang ako ng pagkaka-upo at niligpit ang mga nakakalat kong gamit. Habang nagkakalikot ay muling pumasok sa aking isipan ang paraan ng kanyang pagtitig sa akin.

Matatalim...

Hanggang ngayon parin siguro, hindi niya pa ako napapatawad... o mapapatawad pa nga ba niya ako?

Parang wala na kasing pag-asa. Masyado nang malabo.

Napatingin ako sa gawi ng bintana kong katabi at malumanay na pinagmasdan ang mapayapang pagdaloy ng langit.


Limang taon. Limang taon na rin pala ang nakakalipas simula noong magulo—masira ang aming pagkakaibigan ni Travis. Hindi ko nga alam kung bakit ba umaasa pa akong maayos ang gulong matagal na palang nalukot. Pero lagi kasing may nagsasabi sa dulo ng aking isipan na huwag akong mawalan ng pag-asa. Na huwag akong bibitaw sa aking nararamdaman.

... siguro ay lumalabas lang ito dahil sa tagal na ng pinagsamahan namin ni Travis.


Childhood bestfriend ko yan eh... na ngayon ay ex-childhood nalang.

Well, I tried so many times. I've tried so far to the point that I almost looked like a fool just to get our old past life back. But you see, not all wounds can be treated by just some medicines. Yung iba, kahit gamutin mo pa at gumaling na, nag-iiwan parin ito ng marka.

Gaya na lamang ng sugat ko sa aking pulsuhan.

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay at pinagmasdan ang peklat na nanggaling mula sa huling pag-aaway namin ni Travis. Maliit lamang itong hiwa kaya halos hindi mo na ito mapapansin sa malayuan. Pero kung ikaw ay lalapit ay saka mo lamang ito makikita ng malinaw at masinsinan.

Matagal na itong nakalatay sa aking balat at kahit naghilom na ay hindi na ito bumalik pa sa dating walang kasugat-sugat na itsura dahil sa lalim ng hiwa nito.




Nang dahil lang sa umamin ako bilang bakla.

Marahan akong napabuntong-hininga at ngumiti ng mapait. Why am I even reminiscing the past?

Ibinaba ko na ang aking kamay at niligpit ang mga nakakalat na gamit sa desk. Ten minutes na lamang kasi bago mag-uwian at wala naman na kaming gagawin pa. Umalis din panandalian ang prof namin kaya todo ang pag-alingawngaw ng mga boses ng aking mga kaklase sa bawat sulok ng silid.

Habang nag-aayos ay muling napadako ang aking mga mata kay Travis nang tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa teacher's table. Marahang naginat-inat muna ito bago umayos ng tayo at pumunta sa respective seat nito.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now